Bagong Provincial Tourism Council, bubuhayin ang industriyang panturismo ng Batangas

Vice Gov. Nas: Mas papabilisin ang serbisyo ng SP, makikiisa kay Gov. Dodo
July 21, 2016
Turismo sa Batangas, pagtutulungang itaguyod ng gobyerno at pribadong sektor
July 28, 2016

Para bigyang pansin ang lumalagong isyu ng turismo sa lalawigan, nagpatawag ng isang Provincial Tourism Council Organizational Meeting ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pangunguna ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office noong ika-28 ng Hulyo, 2016.

Dito ay nagtipon-tipon ang ilang punong bayan at maging kinatawan mula ilang ahensya ng pamahalaan, expressway, malls, resorts, travel agencies at academe upang magkaroon ng diskusyon ukol sa mga hinaharap na suliranin sa pagtataguyod ng turismo sa Batangas. Binigyan ng sapat na oras ang mga nagsipagdalo para ipabatid kay Governor Hermilando I. Mandanas ang kanilang mga hiling at suhestiyon para matulungang makilala ang Batangas hindi lamang ng mga turista sa probinsya maging sa Pilipinas at buong mundo.

Nagkaroon din ng kaukulang pagkakataon sila para pumili ng mga bagong pinuno sa Provincial Tourism Council kung saan tatayong chair person si Gov. Dodo. Animnapung (60) porsyento para sa mga kinatawan mula sa pribadong sektor at Apatnapung (40) porsyento mula sa pampublikong sektor. Nahirang sina Mr. Sonny Lozano ng Lima Park Hotel at First Asian Institute of Technology and Humanities (FAITH) bilang President; Mr. Tony Reyes ng STAR Tollway bilang Vice President; Ms. Irene R. De Villa ng University of Batangas bilang Secretary; Ms. Clarissa Macatangay ng SM Travel Lodge bilang Treasurer; Ms. Wendy Bautista ng SM City Lipa bilang Public Relations Officer at Ms. Fe Medina ng Lyceum of the Philippines University-Batangas bilang Auditor.

Ang pagbuo ng nasabing tourism council ay alinsunod sa Presidential instructions na mapaganda pa lalo ang tourism facilities and sa Section 17 of the Local Government Code na tumatalakay sa local tourism initiatives. Ilan sa mga tungkulin ng bumubuo rito ay: gumawa ng mga programa at rekomendasyon na mapalawig ang local tourism facilities at attractions gamit ang local resources at funds;  tumulong sa regulation at supervision ng tourism-oriented establishments para masigurado na makakabuo ng wholesome and clean tourism activities; tumulong sa tiyak na implementasyon ng Local Government Code sa licensing ng tourism establishments sa nasasakupan para mapanatiling ligtas ang mga turista; striktong ipatupad ang sanitary standards sa public restrooms na madalas puntahan ng public utility vehicles and tourist transport services; pangalagaan ang kalikasan; bantayan ang lagay ng mga kalsada; panatilihin ang koordinasyon ukol sa trapiko at krimen; magdaos ng mga food service at tour guide seminar and trainings at makipagtulungansa media para sa pagsusulong ng usaping turismo sa Batangas.

Ayon kay Gov. Dodo, paiigtingin niya ang public-private partnership kung saan magkakaroon ng active participation at coordination ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pribadong sektor  sa tulong ng Provincial Tourism Council. Dito ay magiging buo ang pagtutulungan ng pampubliko at pribadong sektor para mapayabong ang kayamanang taglay ng Batangas sa larangan ng kalikasan, kultura, kasaysayan at ekonmiya. Kristina Marie Joy B. Andal – Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Leave a Reply