Pagbuo ng Marine Protected Area Management Plans, tinutukan ng Kapitolyo, Malampaya Foundation

Resolution No. 587 Year 2024 – AUTHORIZING THE PROVINCIAL GOVERNMENT OF BATANGAS REPRESENTED BY GOVERNOR HERMILANDO I. MANDANAS TO ENTER INTO A MEMORANDUM OF UNDERSTANDING (MOU) WITH THE DEPARTMENT OF EDUCATION SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS PROVINCE REPRESENTED BY ITS SUPERINTENDENT MARITES A. IBAÑEZ AND THE UNIVERSITY OF BATANGAS (UB) REPRESENTED BY ITS PRESIDENT, LILY MARLENE J. HERNANDEZ, WHICH AIMS TO FOSTER COLLABORATION IN PROMOTING TOURISM, CULTURE AND ARTS EDUCATION AMONG THE STUDENTS WITHIN THE PROVINC OF BATANGAS
April 29, 2024
Project LAWA at BINHI, ipinatupad ng Kapitolyo, DSWD sa Bayan ng Lian
May 2, 2024

April 30, 2024

Magkatulong at sama-samang isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PGENRO), at Malampaya Foundation, Inc. ang pagbuo at pagsasaayos ng mga Marine Protected Area (MPA) Management Plans ng siyam na bayan sa Lalawigan ng Batangas na ginanap noong ika-24 hanggang ika-26 ng Abril 2024 sa Pontefino Hotel, Batangas City.

Sa pamamagitan ng nasabing writeshop, layunin na makabuo ang bawat bayan ng isang management plan na magsisilbing gabay sa pamamahala at pangangalaga ng mga MPAs.

Ito ay dinaluhan ng mga pinuno at kinatawan ng mga Municipal Agriculture Office at Municipal Environment and Natural Resources Office mula sa mga bayan ng Balayan, Lemery, Lian, Lobo, Nasugbu, San Juan, San Luis, Taal at Tingloy.

Sinimulan ang tatlong araw na writeshop sa pamamagitan ng isang makabuluhan at nakakahikayat na mensahe mula kay G. Luis A. Awitan, pinuno ng PGENRO. Nagbigay naman ng presentasyon si Dr. Marivic P. Esmas, pangalawang pinuno ng PGENRO, sa nilalaman ng Batangas Strategic Environmental Management Plan 2024-2045 upang maging gabay sa pagbuo ng MPA management plan.

Nagbigay din si Ginang Marissa M. Mendoza, Officer-In-Charge ng Provincial Planning and Development Office (PPDO), at mga kasama mula sa PPDO ng ilang mga tips o paalaala para sa pagbuo ng isang makabuluhan at kapaki-pakinabang na management plan.

Inilahad ni G. Pacifico D. Beldia II, Program Manager ng Malampaya Foundation Inc., ang iminungkahing balangkas upang maging gabay sa pagbuo ng management plan. Bawat isang topic ay masusing ipinaliwanag at tinalakay sa kinakailangang nilalaman nito. Kaagad itong sinundan ng writeshop o pagsusulat para mabuo ng bawat bayan ang bawat topic.

Sa ikatlong araw ng wtriteshop ay ipineresenta ng bawat bayan ang draft management plan na kanilang nabuo upang makita at mabigyan ng komentaryo, ayon sa nararapat na nilalaman nito.

Pagkatapos ng mga presentasyon at komento, pinangunahan ni Engr. Lorena A. Candava, pinuno ng Biodiversity Management Division ng PGENRO, ang mga susunod na hakbangin o gawain na kinakailangan para tuluyang matapos ang mga management plans, hanggang sa pag-apruba ng kani-kanilang Sangguniang Bayan.

Rochelle Amboya – News & Photos PGENRO / Batangas Capitol PIO

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
3

Comments are closed.