Vice Gov. Nas: Mas papabilisin ang serbisyo ng SP, makikiisa kay Gov. Dodo

Life Saviors, Binigyang pagkilala sa 8th Sandugo Awards
July 14, 2016
Bagong Provincial Tourism Council, bubuhayin ang industriyang panturismo ng Batangas
July 28, 2016

Ipinahayag ni Batangas Vice Gov. Sofronio Leonardo “Nas” C. Ona, Jr. na nanunumpa sila sa Sangguniang Panlalawigan, na mas pabibilisin ang lahat ng paraan ng paglilingkod upang agarang maihatid ang wastong serbisyo publiko.

Ito ang binigyang-diin ni Vice Gov. Ona sa kanyang mensahe sa mga kawani ng pamahalaang panlalawigan sa Flag Ceremony noong July 18, 2016 sa Provincial Auditorium.

Kasabay nito, idineklara din niya na makikiisa ang Sangguniang Panlalawigan, kasama ang bawat board member sa anim na distrito ng Batangas, sa lahat ng programa at proyekto ni Gov. Hermilando I. Mandanas.

Sa kanyang kauna-unahang pagkakataong makapagsalita sa lingguhang pagbibigay pugay sa bandila ng Pilipinas bilang bise gobernador, ibinahagi ni Vice Gov. Ona ang mga nagawa na ng legislative branch ng lalawigan sa loob ng wala pang isang buwang panunungkulan.

Ilan sa mga ito ay ang inihaing mga ordinansa para sa pagbubuo ng Provincial Office for Senior Citizens Affairs at Office of Persons with Disabilities (PWDs); pagbabalangkas ng sisterhood agreement with the Province of Marinduque; pagpapasa sa supplemental budget ng pamahalaang panlalawigan; at pagpapatibay sa appointments nina Mr. Levi Dimaunahan, bilang Provincial Administrator, at Atty. Cesar Castor, bilang Provincial Legal Officer.

Ipinabatid din niya na ang schedule ng regular session ng Sangguniang Panlalawigan ay tuwing Lunes, 10 AM na, mula sa dating araw ng Miyerkules.  Nakapagtalaga na din ng mga chairperson sa bawat SP committee.

Binanggit din ni Vice Gov. Nas, na nanungkulan dati bilang mayor ng Municipality of Calaca, ang ilan sa kanilang napagkasunduang internal rules sa SP, tulad ng: pagtitipid ng kuryente (ang mga aircon (AC) units ay gagamitin lang ng 8am –  4:30 at naka-off mula 12pm to 1 pm / ang AC at ilaw ay di maaaring buksan sa session hall executive lounge kung walang opisyal na gumagamit ng mga ito); mahigpit na polisiya sa pagpasok sa opisina (gaya din ng sinasabi ni Gov. Dodo na walang 15/30 na empleyado sa kapitolyo o lahat ay papasok ng 8am – 5pm, Lunes hanggang Biyernes / bawal din ang extended breaks); at pagbihis ng maayos at mag make-up (para sa mga kababaihang kawani) para maging presentable at professional para sa mga lumalapit na mga kliyente at nangangailangan ng public service.  / PIO Capitol 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Leave a Reply