2-Day Capability Building Training para sa City/Municipal Anti-Drug Abuse Councils, isinagawa sa Lalawigan ng Batangas

Pagbisita ng MV Doulos Hope, isang paglalayag ng kaalaman at inspirasyon
April 19, 2024
Pagbuo ng Marine Protected Area Management Plans, tinutukan ng Kapitolyo, Malampaya Foundation
April 30, 2024

April 20, 2024

Upang lubos na makamit ang isang Drug-Free na lalawigan, isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Provincial Assistance for Community, Public Employment, and Youth & Sports Development Office (PACPEYSDO), ang 2-Day Capability Building Training/Orientation for City/Municipal Anti-Drug Abuse Councils (CADAC/MADAC) noong ika-18 at 19 ng Abril 2024 sa Dalubhasaan Bldg., Provincial Sports Complex, Brgy. Bolbok, Batangas City.

Pinasimulan ang programa sa mensahe nina Provincial Administrator Wilfredo Racelis, na siyang kumatawan kay Governor Hermilando Mandanas, at Department of the Interior and Local Government (DILG) Provincial Director Allan V. Benitez.

Sinundan ito ng talakayan kasama si Prof. Francis Grace F. Duka-Pante, mula sa University of the Philippines-Diliman, na nagbigay-kaalaman sa mga CADAC/MADAC patungkol sa pagsasagawa ng epektibong drug prevention intervention.

Sa panig naman ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), ibinahagi ni Ms. Hanah Princess Gail R. Cusi ang mga programa ng lalawigan sa pagtugon sa iligal na droga, partikukar ang Yakap-Bayan Program, na isang holistic na interbensyon sa mga drug surrenderers para matulungan silang makabalik bilang aktibong miyembro ng lipunan gaya ng pagiging community volunteers at leaders.

Sa ikalawang araw ng pagsasanay, naimbitahan upang magsalita ang ilang kinatawan mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Isang lecture tungkol sa Balay Silangan Reformation Program ang ipinakita ni PDEA Region IV-A Regional Public Information Officer, Ms. Mary Ann M. Lorenzo, na naglalayong magabayan ang probinsiya at mga bayan nito sa pagnanais na makapagpatayo ng pasilidad para sa mga drug pushers at plea bargainers.

Samantala, may kaugnayan naman sa pagsasagawa ng Barangay Drug Clearing Program ang ipinabatid ni PDEA Batangas Provincial Officer IA5 Rachelle Mission.

Sa huling parte ng programa, sumailalim sa workshop at post-test training evaluation ang mga kalahok bilang pagsusuri sa kanilang mga natutunan sa nakalipas na dalawang araw.
Ang aktibidad ay sinubaybayan nina PACPEYSDO Head Ms. Fredesvinda R. Mendoza at Assistant Dept. Head Diosdado Macalintal.

Gian Marco Escamillas, Batangas Capitol PIO / Photos by Francis Milla

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.