Turismo sa Batangas, pagtutulungang itaguyod ng gobyerno at pribadong sektor

Bagong Provincial Tourism Council, bubuhayin ang industriyang panturismo ng Batangas
July 28, 2016
Batangas Province-Korecen Partnership
August 4, 2016

Nagtipon-tipon ang delegasyon ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at pribadong sector sa Bulwagang Batangan ng Pamahalaang Panlalawigan para sa Provincial Tourism Council Organizational Meeting na idinaos noong ika-28 ng Hulyo, 2016.

Layunin ng nasabing pagpupulong na bumuo ng panibagong Provincial Tourism Council sa ilalim ng administrasyon ni Governor Hermilando I. Mandanas. Ayon kay Governor Dodo, kahit na nakatutok ang HELP program niya sa pagpapaigting ng social services sa lalawigan, bibigyang pansin din niya ang pagpapakilala sa Batangas sa buong bansa at mundo sa pamamagitan ng pagtataguyod ng turismo kasama ang pampubliko at pribadong sektor.

Itinuturing ni Gov. Dodo na epektibong marketing strategy ang turismo para ipakita ang kahalagahan ng Batangas sa taglay nitong yaman sa kalikasan, kultura, kasaysayan at industriya. Buong pagmamalaki niyang inihayag ang planong pag-ibayuhin ang mga kayamanan para makatulong sa ekonomiya at pagbibigay ng mas maraming oportunidad sa mga Batangueño na magkaroon ng hanapbuhay.

Ilan sa mga nais niyang pangalagaan at makilala pa ay ang Verde Island Passage na idineklarang Center of the Center of Marine Shorefish Biodiversity at Taal Basilica, na tinaguriang pinakamalaking simbahan sa Pilipinas at Asya. Nabanggit din niya na matatagpuan sa lalawigan ang maraming powerplants na pinagkukunan ng bansa ng kuryente at maging petrolyo.

Bahagi ng mga kongkretong programang inihiyain ng administrasyong Mandanas para sa turismo ay ang pagkakaroon ng dagdag na tulay at kalsada o circumferential road para mapadali ang paglalakbay ng mga turista sa iba’t ibang bahagi ng Batangas. Inaprubahan na din ng Sangguniang Panlalawigan ang planong makuha muli ang pag-aari ng pamahalaang panlalawigan saisang real estate property na planong gawing food terminal para maging pangunahing distribution center ng mga produktong mula at patungong Batangas. Plano ding idevelop ang Fernando Air Base sa Lipa City para maging ganap na paliparan para sa mga turistang nais makapunta sa Taal Volcano Island at ilang malalayong lugar sa probinsya. Bukod dito magkakaroon din ng interactive website at libreng internet o free wifi sa lalawigan, kaakibat na ang pagbuo ng Provincial Information and Communications Technology Council.

Pormal na ding ipinakita ang “1 Batangas” na magiging branding ng turismo sa buong pamamahala ni Gov. Dodo. Nakapaloob dito ang hangaring pagkaisahin ang industriyang panturismo ng buong lalawigan para lalong makahikayat ng mga turistang bibisita at nais makita ang taglay na kagandahan at kayamanan ng Batangas.

Kabilang sa mga dumalo ang ilang punong bayan at mga kinatawan mula sa ilang ahensya ng pamahalaan, expressway, malls, resorts, travel agencies at academe. Kristina Marie Joy B. Andal – Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Leave a Reply