Project LAWA at BINHI, ipinatupad ng Kapitolyo, DSWD sa Bayan ng Lian

Pagbuo ng Marine Protected Area Management Plans, tinutukan ng Kapitolyo, Malampaya Foundation
April 30, 2024
Invitation to Bid – Goods (May 9, 2024 – 2nd batch)
May 2, 2024

May 2, 2024

Bilang pagtugon sa banta ng epekto ng El Niño, ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Government Environment and Natural Resources (PGENRO), ay nakipag-ugnayan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) – CALABARZON Region upang maipatupad ang “PROJECT LAWA (Local Adaptation to Water Access) at BINHI (Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished)” sa ilalim ng “Risk Resiliency Program – Climate Change Adaptation and Mitigation through Cash for Training/Work (RRP-CCAM CFTW)” sa limang bayan sa lalawigan, kabilang ang Lian, Rosario, San Juan, Sto. Tomas City at Tingloy.

Layunin ng programang ito na mabigyan ng “sustainable solution” ang kakulangan sa pagkain at tubig sa mga piling bayan, dulot ng El Niño.

Sa pangunguna ng PGENRO, unang ipinatupad ang nasabing proyekto sa Bayan ng Lian, mula April 1 hanggang 20, 2024, na may 435 na mga benepisyaryo, na binubuo ng mga magsasaka at mangingisda mula sa iba’t ibang “people’s organizations.” Sila ay sumailalim sa isang tatlong araw na pagsasanay, kung saan ay binigyan sila ng kaalaman patungkol sa proyekto ng DSWD, mga sakuna at paano ito mapaghahandaan, pagbabago ng klima, mga epekto nito at paano ito maiiwasan.

Pagkatapos nito ay sumailalim sila sa labinlimang araw na pagawain, tulad ng rehabilitasyon ng “water harvesting system,” paglilinis ng mga kanal at pinagdadaluyan ng tubig at pagtatanim. Ang huling dalawang araw ng nasabing proyekto ay ang pagtatasa at pagkilala sa mga programa at pagawain para sa pagpapanatili ng proyekto. Nagkaroon din ng “ceremonial turnover” sa LGU at benepisyaryo ng nasabing proyekto/programa.

Noon nakaraang April 30, 2024, isinagawa ang “pay-out” na may kabuuang halaga na ₱4,089,000.00. Ang bawat isang benepisyaryo ay tumanggap ng halagang ₱9,400.00 bilang sahod sa kanilang mga naging gawain sa loob ng dalawampung araw.

Katuwang ng PGENRO sa pagpapatupad ng nasabing proyekto ang DSWD CALABARAZON, Provincial Social Welfare and Development Office, Office of the Provincial Agriculturist at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office at MAO, MENRO at MSWDO ng Bayan ng Lian.

Magpapatuloy ang programang ito sa iba pang mga bayan hanggang sa darating na August 2, 2024.

PGENRO / Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.