Taunang Budget ng Lalawigan ng Batangas para sa 2021, Aprubado Na

2 SPES Beneficiaries ng DOLE Batangas at Pamahalaang Panlalawigan, Wagi sa Gawad Parangal
December 19, 2020
Housing Project MoU para sa Capitol Employees, Nilagdaan nina Gov. DoDo, Pag-Ibig Fund
December 20, 2020

December 20, 2020

Ganap nang naipasa ang panukalang budget ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas para sa taong 2021, na nagkakahalagang ₱4,285,721,594, sa isinagawang regular session ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas noong araw ng Lunes, Disyembre 14, 2020 sa Apolinario M. Mabini Legislative Building, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas City.

Inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang 2021 annual budget ng SP, sa pangunguna ni 3rd District Board Member Jhoanna C. Corona, ang chairperson ng Committee on Appropriations.

Nakasaad sa nasabing ordinansa na ang pinakamalalaking bahagi ng budget ay nakalaan para sa imprastraktura na nagkakahalaga ng ₱643,801,518, kalusugan na umaabot sa ₱630,637,698, at edukasyon na may kabuuang ₱223,500,000.

Ang naipasang pondo ng pamahalaang panlalawigan ay naaayon sa mga inilatag na priority programs ang projects ng Kapitolyo, kasama ang mga resolusyon ng bawat bayan sa lalawigan na nagtataglay ng kanilang mga pangangailangan.

Jayne Elarmo – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.