April 12, 2024
Pinangunahan ng Provincial Human Resource Management Office (PHRMO) ang dalawang araw na seminar for Pre-Retirement Planning and Business Opportunities para sa mga magreretirong empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas.
Ang mga nasabing aktibidad ay ginanap sa Provincial Auditorium sa Kapitolyo at Provincial Agriculture Office Conference Hall, Bolbok, Batangas City noong-ika 11 hanggang ika – 12 ng Abril 2024.
62 na mga kawani ng pamahalaang panlalawigan ang dumalo sa pagtitipon, kung saan tinalakay ang lahat ng mga maaari nilang makuha o magamit sa kanilang pagreretiro, tulad ng GSIS Retirement Benefits, at ibinahagi ang mga pwedeng hanap-buhay at pagkakitaan at pagkaabalahan, tulad ng urban gardening, upang mapanatili at patuloy pa ring malusog ang kanilang pangangatawan.
Ayon kay Ginoong Edgar Acosta na mula sa Provincial Budget Office, napakalaking tulong ng seminar na ito upang masulit ang mga pribilehiyo at benepisyo ng mga magreretirong katulad niya, kabilang ang matatanggap na GSIS benefits. Dagdag pa niya, sa kanyang pagtatapos sa paglingkod sa bayan, marami aniya siyang maaaring magawa, katulad ng gardening at pagtatanim ng mga gulay at prutas, upang patuloy pa ring may dagdag kita at libangan.
Jonathan Berberabe; photo by Francis Milla-Batangas Capitol PIO