Housing Project MoU para sa Capitol Employees, Nilagdaan nina Gov. DoDo, Pag-Ibig Fund

Taunang Budget ng Lalawigan ng Batangas para sa 2021, Aprubado Na
December 20, 2020
Invitation to Bid (Jan. 21, 2021)
December 23, 2020

December 20, 2020

Nagkasundo ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas at Pag-Ibig Fund sa isang Memorandum of Understanding (MoU) para sa pagpapagawa ng isang housing program para sa mga kawani ng pamahalaang panlalawigan.

Sa isang online video conference, pormal na nilagdaan nina Gov. DoDo Mandanas, bilang kinatawan ng pamahalaang lokal ng Lalawigan ng Batangas, at Ginoong Acmad Rizaldy Moti, Chief Executive Officer at kinatawan naman ng Pag-Ibig Fund o Home Development Mutuial Fund, ang MoU noong ika-18 ng Disyembre 2020.

Sa kasunduan, tutustusan ng Pag-Ibig Fund ang pagpapagawa ng nasabing housing project sa pamamagitan ng isang development loan, sang-ayon sa mga kasalukuyang panuntunan ng kanilang Group Housing Loan Program para sa land at house construction, na ipagpapagawa sa isang proposed site na ilalaan ng pamahalaang panlalawigan.

Magpapalabas din ang nasabing government financial institution ng indibidwal na housing loan para sa mga kwalipikadong empleyado ng Kapitolyo, base sa eligibility requirements mula sa Housing Committee ng LGU at housing loan program ng Pag-Ibig.

Kaugnay nito, nakatakdang makipagkasundo ang dalawang partido para sa isang collective servicing agreement para sa maayos na koleksyon ng buwanang amortization ng mga kukuha sa pabahay.

Inaasahan ding tutulungan ng Pag-Ibig ang pamahalaang panlalawigan sa pakikipag-ugnayan sa iba pang mga key shelter agencies para sa ikapagtatagumpay ng implementasyon ng nasabing housing project.

Kabilang sa mga sumaksi sa naganap na mga paglagda sina Provincial Planning and Development Coordinator Benjie Bausas, Provincial Engineer Gilbert Gatdula at Provincial Administrator Levi Dimaunahan.

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
2

Comments are closed.