Pagbisita ng MV Doulos Hope, isang paglalayag ng kaalaman at inspirasyon

Invitation to Bid – INFRA (May 9, 2024)
April 18, 2024
2-Day Capability Building Training para sa City/Municipal Anti-Drug Abuse Councils, isinagawa sa Lalawigan ng Batangas
April 20, 2024

April 19, 2024

Matapos ang labingwalong taon, ang MV Doulos Hope ay muli na namang nagbalik sa Lalawigan ng Batangas noong ika-16 ng Abril 2024, dala ang kanilang misyon na magbahagi ng kaalaman sa mundo at magpalago ng pang-unawa tungkol sa iba’t ibang kultura.

Dumalo bilang kinatawan ni Governor Hermilando Mandanas si Acting Vice Governor at 5th District Senior Board Member Maria Claudette Ambida Alday sa pormal na pagbubukas ng MV Doulos Hope sa Batangas Port, Brgy. Sta Clara, Batangas City.

Ang MV Doulos Hope ay isang International Floating Library na dumadaong sa iba’t ibang daungan ng daigdig para sa layunin nitong makapag bahagi ng kaalaman, tulong at pag-asa. Ang pangalan ng barko ay hango sa Griyegong salitang “Doulos” na nangangahulugang “Servant” kaya tinaggurian itong “Servant of Hope”. Sa kasalukuyan, nakabisita na ito sa mahigit 480 ports ng 150 mga bansa.

Naging makulay at masaya ang pormal na pagbubukas ng book fair sa pamamagitan ng pagtatanghal ng ilan sa mga international crew nito, kabilang ang dalawampu’t dalawa na mga manggagawang Pilipino. Nagkaroon din ng pagpapalitan ng simbolismo ng regalo sa pagitan ng lalawigan at ng barko, na sinundan naman ng isang ribbon-cutting ceremony.

Buong pagmamalaki namang itinampok ni MV Doulos Hope Captain Tom Dyer ang aklatan nito, na itinuturing na pinakapuso ng barko. Naglalaman ito ng iba’t ibang libro, na kinabibilangan ng mga literary pieces na pambata, fiction novels, home and industrial cookery, religious pieces at marami pang iba.

Sa naging mensahe ni BM Ambida, ibinahagi niya ang kaniyang naging karanasan noong unang beses na bumisita ang MV Doulos Hope sa Lalawigan ng Batangas. Aniya, ang mga kaalaman na kaniyang natutunan mula sa barko ay dala-dala pa rin niya sa kasalukuyan.

Matatandaang una itong bumisita sa lalawigan noong taong 1991, na pinangalawahan naman noong 2008.
Muli itong naglayag patungo sa Pilipinas ngayong taon, kung saan nakagaling na ito sa mga daungan ng Subic, Zambales, San Fernando, La Union, at Maynila. Maaaring ang Batangas City stop ang final leg ng barko sa bansa ngayong taon.

Bukas ito sa publiko sa ganap na alas-dos hanggang alas- otso ng gabi, hanggang sa ika-28 ng Abril 2024. Mayroong itong entrance fee na nagkakahalaga ng limampung piso at anim na piso naman para sa port. “Free of charge” naman ang mga Senior Citizens, Persons with Disability (PWD) at mga batang may edad labing-dalawang taon pababa.

Nakasama ni BM Ambida sa naturang opening ceremony sina MV Doulos Hope Captain Dyer, Director Nathan Schmutz, iba’t ibang opisyales mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, Pamahalaang Panlungsod ng Batangas, Bureau of Customs, Philippine Coast Guard-Southern Tagalog, Philippines Ports Authority, Asia Terminals Inc., at pastors and spiritual leaders.

Ornald M. Tabares, Jr., Kristal Mae G. Cabello Jr./Photos: Froilan Salcedo Jr., – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.