February 15, 2019
Nakatakdang magtungo sa United States of America si Batangas Governor Dodo Mandanas upang maging Tagapagsalita at Bisitang Pandangal sa “Trade and Investment Forum” na gaganapin sa Los Angeles, California sa ika-18 ng Pebrero 2019 at sa Houston, Texas sa ika-22 ng Pebrero 2019.
Ayon sa forum organizer na Asian Journal Publications, isang Filipino-American Community newspaper, napili nilang anyayahan si Gov. Mandanas sa pagtitipon upang personal niyang maibahagi ang development program ng pamahalaan, partikular sa larangan ng imprastraktura, upang makahikayat ng mga mamumuhunan.
Layunin ng Forum na maitanghal ang investment and trade opportunities sa Pilipinas, kabilang ang sa Lalawigan ng Batangas. Photo: JJ Pascua / Batangas Capitol PIO