Bagong DILG Batangas Provincial Office, pinasinayaan

Showcasing Rich Batangas as Investment Haven
February 15, 2019
Higit 15K nabakunahan kontra Tigdas sa Batangas
February 18, 2019

Bagong DILG Batangas Provincial Office sa Capitol. Nakiisa si Governor DoDo Mandanas sa pagbasbas at pagpapasinaya ng bagong panlalawigang tanggapan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Batangas noong ika-15 ng Pebrero 2019 sa Capitol Compound, Lungsod ng Batangas. Kasama sa larawan sina DILG Batangas Provincial Director Adelma Mauleon (2nd mula kanan, likod), at DILG CALABARZON Regional Director Manuel Q. Gotis (4th mula kanan, harap) na nanguna sa pagtitipon. Trizia Joy P. Canosa/ Photo by: Macc Venn Ocampo – Batangas Capitol PIO

Pormal nang binuksan ang bagong gusali na magsisilbing panlalawigang tanggapan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Batangas nang isagawa ang blessing at inauguration nito noong ika-15 ng Pebrero 2019 sa Capitol Compound, Lungsod ng Batangas.

Lubos ang pasasalamat nina DILG CALABARZON Regional Director Manuel Q. Gotis at Batangas Provincial Director Adelma Mauleon sa suporta ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. DoDo Mandanas, upang magkaroon ng katuparan ang matagal na nilang pangarap na magkaroon ng bago at mas maayos na tanggapan.

Sa mensahe ni Governor Mandanas, sinabi nito na ang ang pagkakatayo ng bagong gusali ay sumasalamin sa hangarin ng DILG na maging bantayog ng pagsisikap upang maging mabuting kaagapay ng pamahalaang nasyunal sa lahat ng mga lokal na pamahalaan sa bansa.? Trizia Joy P. Canosa – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.