Pagkalat ng Tigdas sa Lalawigan, tinutukan ng Prov’l. Health Office

English Computerized Learning Program sa Lalawigan ng Batangas, palalawakin
February 14, 2019
Showcasing Rich Batangas as Investment Haven
February 15, 2019

February 14, 2019

Batangas Province, 0 Mortality sa Tigdas

Matapos ideklara ng Department of Health (DOH) ang sunod-sunod na measles outbreak o pagkalat ng sakit na tigdas sa iba’t-ibang bahagi ng bansa, naglabas na ng opisyal na ulat ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Health Office (PHO), sa kasalukuyang estado at ginagawang aksyon ng Lalawigan sa harap ng banta ng naturang sakit.

Kabilang dito ang pagtatatag ng Ligtas Tigdas Task Force upang matututukan ang pagkakaroon ng koordinasyon sa bawat immunization program coordinators ng bawat munisipyo at lungsod sa pagbuo ng nararapat na mga hakbang. Kasama rin dito ang pamamahagi at pagbibigay-alam ng wastong impormasyon at pagsasagawa ng tri-media campaign para maipabatid sa publiko ang kasalukuyang sitwasyon.

Batay sa datos ng PHO, mula buwan ng Enero hanggang ika-11 ng Perbrero 2019, nakapagtala na ang lalawigan ng may kabuuang 130 kaso, anim dito ang kumpirmadong tinamaan ng tigdas, na mula sa Lungsod ng Lipa at Munisipalidad ng Sto. Tomas.
Sa pakikipag-ugnayan sa Provincial Health Office, wala pa namang naitalang namatay sa nakakahawang sakit sa Lalawigan.

Ang tigdas o measles ang isa sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga bata. Ang regular na pagbabakuna, gamit ang estratehiyang “Reaching Every Purok”, ay nagsilbing core activity sa buong lalawigan upang maiwasan ang pagkalat ng sakit. ✎ Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.