Provincial Tourism and Cultural Affairs Office, Aag-ulat ng Accomplishments at Upcoming Activities

Public Transport Route Plan at PUV Modernization, Pinagpulungan sa Kapitolyo
September 6, 2018
Batangueña na Kinoronahan bilang Miss Tourism World Philippines 2018, Binigyang Pagkilala
September 10, 2018

Atty. Sylvia Marasigan, Provincial Tourism and Cultural Affairs Office Department Head Photo by: Eric Arellano - Batangas PIO Capitol

September 10, 2018

Atty. Sylvia Marasigan, Provincial Tourism and Cultural Affairs Office Department Head Photo by: Eric Arellano – Batangas PIO Capitol

Nag-ulat ang Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO), sa pangunguna ni Depatment Head Atty. Sylvia Marasigan, ng kanilang mga aktibidad at hakbangin na naglalayong lalo pang pagyamanin ang industriya ng turismo, kultura at sining sa Lalawigan ng Batangas.

Sa lingguhang pagbibigay pugay sa bandila ng Pilipinas na ginanap noong ika-10 ng Setyembre taong kasalukuyan sa Provincial Auditorium, Batangas City, ipinahayag ang ilang aktibidad ng tanggapan na nakatuon sa paglinang ng turismo gaya ng paglulunsad ng Capitol Tour Launch with Girl Scouts, Barako Hour, Bukid to Bahay Project, Vlogger’s Workshop, Refresher Course on Tour Guiding for Inland FarmTour, Batangas Inland Familiarization Tour, 29th Philippine Travel Mart, Tour of Pasig City Cooperative Development Council at Seasonal Guest Farm Workers Program (Batch 2) to South Korea.

Dahilan na rin sa pagsusumikap ng Mandanas administration na mas yumabong pa ang turismo sa lalawigan, lumabas sa datos ng Department of Tourism (DOT) na nanguna ang Batangas sa Tourist Arrrivals sa CALABARZON Region noong nakaraang taon. May kabuuang 8,344,866 ang naitalang bumisita sa lalawigan noong nakaraang taon kung saan 6,836,183 ang kabilang sa same day arrivals habang 1,508, 683 ang kabuuang bilang ng overnight visitors.

Binanggit din ang mga naging proyekto ng tanggapan na nasa linya ng kultura at sining sa Batangas gaya ng 120th Philippine Independence Day Celebration, Roselang Bubog Musical Play, Lakbay Sining, Symposium hinggil sa “Filipino: Wikang Saliksik”, Pagpapasinaya ng Bantayog Wika at Mga K’wento kay Maria Y. Orosa.

Samantala, ipinagbigay alam ni Atty. Marasigan ang kanilang upcoming activities gaya ng pagbubukas ng Batangas Provincial Museum, Southern Luzon Museum Summit, 437th Foundation Anniversary of the Province of Batangas, Batangas Music and Arts Festival at Batangas Retail Shops na ilulunsad sa mga darating na buwan. ✎ Marinela Jade M. Maneja, Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.