Batangueña na Kinoronahan bilang Miss Tourism World Philippines 2018, Binigyang Pagkilala

Provincial Tourism and Cultural Affairs Office, Aag-ulat ng Accomplishments at Upcoming Activities
September 10, 2018
Notice of Vacant Position
September 10, 2018

Angat ang galing at ganda ng Batangueña! Muling napatunayan ang husay at kahanga-hangang determinasyon ng Batangueña sa larangan ng beauty pageant sa katauhan ng 24-taong gulang na si Kathleen Tagle Gomez matapos masungkit ang korona at titulong Miss Tourism World Philippines 2018 sa nakaraang Miss Tourism Philippines Pageant noong August 25, 2018 na ginanap sa Chateau Royale, Nasugbu, Batangas. Kasama sa larawan sina Gov. Dodo Mandanas at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan. ✐Mark Jonathan M. Macaraig/Photo by Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

September 10, 2018

Angat ang galing at ganda ng Batangueña! Muling napatunayan ang husay at kahanga-hangang determinasyon ng Batangueña sa larangan ng beauty pageant sa katauhan ng 24-taong gulang na si Kathleen Tagle Gomez matapos masungkit ang korona at titulong Miss Tourism World Philippines 2018 sa nakaraang Miss Tourism Philippines Pageant noong August 25, 2018 na ginanap sa Chateau Royale, Nasugbu, Batangas. Kasama sa larawan sina Gov. Dodo Mandanas at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan. ✐Mark Jonathan M. Macaraig/Photo by Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Bilang pagkilala sa karangalang inihatid sa Lalawigan ng Batangas, ginawaran ng Certificate of Recognition si Kathleen Tagle Gomez mula sa bayan ng Balete matapos makuha nito ang titulong Miss Tourism World Philippines 2018 sa ginanap na koronasyon ng Miss Tourism Philippines 2018 sa Chateau Royale, Nasugbu, Batangas noong ika-25 ng Agosto 2018.

Kasabay ng pagsisimula sa pagdiriwang ng Tourism Month ng lalawigan na idinaos sa Batangas Provincial Auditorium noong ika-10 ng Setyembre, personal na iginawad ni Gov. Dodo Mandanas, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, ang parangal sa Batangueña Beauty Queen para sa kanyang ipinamalas na galing sa larangan ng beauty pageant.

Kaugnay nito, hindi lamang ang pagkapanalo sa titulo ang kanyang nakamit, humakot si Gomez ng ilang special awards kagaya ng Miss Jergens, Miss MUD, Miss Chateau Royale, Miss Lady Grace at Miss Photogenic.

Ang Miss Tourism Philippines Pageant ay may apat na korona at titulo kung saan ang mananalo ay magiging representate ng bansa sa international pageants, ang Miss Tourism Grand Queen, Miss Tourism Universe, Miss Tourism Ambassador at ang Miss Tourism World.

Si Gomez, dalawampu’t apat na taong gulang, ay nagtapos sa kursong Bachelor of Science in Tourism sa First Asia Institute of Technology and Humanities (FAITH) sa Lungsod ng Tanauan.

Matatandaan din na noong isang taon ay sumabak na ito bilang isa sa mga kalahok sa Miss World Philippines 2017.

Ang sertipiko ng pagkilala na iginawad kay Gomez ay base sa inihaing Resolusyon ni 3rd District Board Member Alfredo C. Corona kung saan nasasaad na makakatanggap ito ng cash incentive mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas alinsunod sa Provincial No. 005 Year 2016 na may titulong Incentive to Batangueño Achievers.

Labis naman ang ipinakitang saya at suporta ni Gov. Mandanas kasama ang mga bokal lalo pa at magiging kinatawan si Kathleen Tagle Gomez sa internasyonal na kumpetisyon para maiuwi ang titulong Miss Tourism World.

Samantala, kinilala rin si Jan Rose de Castro mula sa Rosario, Batangas na nakuha ang titulo bilang 1st Runner-Up.

Hangarin ng Miss Tourism Philippines Pageant na maitaguyod ang turismo sa pamamagitan ng kagandahan, sining at kultura. Sinisikap din ng nasabing pageant ang makipagtulungan sa mga Local Government Units upang mas maipakita pa ang halaga ng pagkaka-isa sa paglikha ng magagandang oportunidad para sa mga lokal na komunidad. ✎ Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.