Public Transport Route Plan at PUV Modernization, Pinagpulungan sa Kapitolyo

Batangas Province, Nakilahok sa Philippine Travel Mart 2018
September 5, 2018
Provincial Tourism and Cultural Affairs Office, Aag-ulat ng Accomplishments at Upcoming Activities
September 10, 2018

September 6, 2018

Upang maipaunawa at talakayin ang Preparation of Public Transport Route Plan (LPTRP) at Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program, nagdaos ang Provincial Planning and Development Office (PPDO) ng isang pagpupulong na tumalakay sa kaayusan ng sistema sa transportasyon na ginanap noong ika-5 ng Setyembre 2018 sa PPDO Conference Room, Capitol Compound, Batangas City.

Dinaluhan ito ng mga lokal na Public Transport Groups / Operators na nagmula pa sa iba’t-ibang bayan at lungsod sa Lalawigan ng Batangas. Nakiisa rin sina PPDO Chief Benjamin I. Bausas, Atty. Mariane Tingchuy na kumatawan sa Tanggapan ng Panlalawigang Gobernador at Col. Chito Malapitan, Assistant Department Head ng Provincial Public Order and Safety Department.

Unang tinalakay sa pagpupulong ang tungkol sa LPTRP sa pangunguna ni Gng. Luz Lumbera, Chief ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Region IV-A.

Ang usapin sa LPTRP ng lalawigan ay pinagtibay ng Provincial Government of Batangas Executive Order No. 2Him1-01 (Creating the Local Public Transport Route Plan (LPTRP) Team of the Provincial Government of Batangas) na hango sa Joint Memorandum Circular No. 001, dated June 19, 2018, ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Transportation (DOTr) na magsagawa ng Local Transport Plan ng transport modes at makapagbigay ng mga panukala para sa traffic management katuwang ang bawat Local Government Units (LGU).

Isa sa mga hangarin ng LPTRP ang magkaroon ng fixed salary at oras ng trabaho ang mga drivers. Masusing pinag-aaralan din ng mga LGUs katuwang ang DOTr, ang pagsasaayos ng mga Designated Drop Off Points na makakatulong sa pag-aapply ng mga prankisa ng mga PUV Operators. Hangad ding mabuo bilang korporasyon o kooperatiba ang mga transport groups na makatutulong upang mas mapagtibay ang sistema ng transportasyon.

Kaugnay nito, ang bawat LGU ay magtatalaga ng mga tamang daan, terminals at drop-off points na tatahakin ng mga Public Utility Vehicles (PUVs). Kung sakaling hindi makapagsumite ng Route Plan, ang DOTr ang magsasagawa ng nabanggit na pagpaplano para sa bayan o lungsod.

Naging bahagi rin ng talakayan ang PUV Modernization Program o ang planong upgrade ng pampublikong mga sasakyan na may layuning mapataas ang reliability, safety at comfort ng sistemang pang-transportasyon.

Samantala, sa huling bahagi ng pagpupulong, ginanap ang isang eleksyon upang makapaghalal ng opisyal na representante ng transport groups sa panlalawigang LPTRP. ✐ Jonathan Macaraig at Louise Mangilin – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.