Kauna-unahang Sesyon ng Kamara sa labas ng Batasan, Isinagawa sa Lalawigan ng Batangas

Malinis na Inumin, Hatid ng Army Reservists
January 21, 2020
Provincial Nutrition Cluster, Ini-activate sa Batangas Province
January 23, 2020

January 22, 2019

Sa makasaysayang Regular Session ng House of Representatives (HoR) noong ika-22 ng Enero 2020, na sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsagawa ng pagtitipon sa labas ng Batasang Pambansa sa Quezon City, 204 na kinatawan ng Mababang Kapulungan ang dumalo at nakiisa upang personal na pakinggan ang mga naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal mula sa CALABARZON Region.

Isinagawa ang pagpupulong sa Batangas City Convention Center, kung saan ang Kamara ay nagtipon bilang isang Committee of the Whole.

Kabilang sa mga naging Calendar of Business ang paglalahad ng committee report patungkol sa House Bill No. 5989, ang panukalang pagbuo ng isang Department of Disaster Resilience, na iniulat ni Leyte Congresswoman Lucy Torres-Gomez.

Pinagtibay rin dito ang House Resolution No. 655 na humihiling sa agarang pagpapalabas ng pondo na magagamit sa “aid relief, resettlement, rehabilitation, livelihood, development and social programs and services” para sa mga komunidad na naapektuhan ng Taal Volcano eruption, na isinulong ng mga kinatawan ng lalawigan sa Kamara; at ang House Resolution No. 662, na nagpapahayag ng suporta at pangako ng HoR na makikipagtulungan ito sa lahat ng mga ahensya ng pamahalaan upang maipasa ang proposed supplemental budget, na gagamitin sa mabilisan at epektibong ayuda sa mga naging biktima ng bulkan.

Lubos naman ang pasasalamat ni Batangas Governor DoDo Mandanas sa pagdaraos ng nasabing sesyon sa Lalawigan ng Batangas, na nagpakitang aniya sa tuwirang hangarin ng mga mambabatas na personal na marinig, maramdaman at masaksihan ang pinagdaraanan ng mga Batangueño sa kasalukuyan.

Bukod sa mga kinatawan ng mga Lalawigan ng Cavite at Laguna, nabigyan din ng pagkakataong makapaglahad ng mga naging karanasan, nang naganap ang pagputok ng bulkan noong ika-12 ng Enero at kahilingan upang matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang mga komunidad, ang barangay captain ng Barangay Alas-as, San Nicolas; Tourism Officer ng Agoncillo; San Nicolas Mayor Lester De Sagun; Agoncillo Mayor Dan Reyes; at, ilang mga residente ng volcano island na sakop ng Bayan ng Agoncillo.

Ipinarating din ni Gov. Mandanas ang binalangkas na action plan ng lalawigan kaugnay ng kasalukuyang kalamidad, kabilang ang paglilipat ng mga evacuees, na nasa mga paaralan, sa mga mas maayos na lugar upang mabawasan ang mga overloaded na evacuation centers at makapagbukas nang muli ang klase sa mga paaralang nasa labas ng 14-km danger zone radius.

Ibinahagi rin nito ang isasagawang pagbibigay ng mga rescue vehicles sa lahat ng barangays ng lalawigan, na matagal nang nakakasa.

Pinangunahan ang nasabing session ng 18th Congress ni House Speaker Alan Peter Cayetano at dinaluhan ng mga mambabatas na Batangueño, kabilang sina 2nd District Congressman Raneo Abu, 5th District Congressman Marvey Marino, 4th District Congresswoman Lianda Bolilia, 6th District Congresswoman Vilma Santos-Recto, 3rd District Congresswoman Theresa Collantes at 1st District Congresswoman Elenita Ermita-Buhain.

Batangas Capitol PIO – Vince Altar

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.