Provincial Nutrition Cluster, Ini-activate sa Batangas Province

Kauna-unahang Sesyon ng Kamara sa labas ng Batasan, Isinagawa sa Lalawigan ng Batangas
January 22, 2020
10,000 Relief Packs Ipinamahagi ng Unang Ginang Honeylet Avanceña, Katuwang ang FFCCCII
January 23, 2020

January 23, 2019

Tututukan ang Kalusugan ng mga Sanggol, Buntis

Upang makatugon sa mga bantang kaugnay ng malnutrisyon sa mga evacuation centers, kung saan pansamantalang naninirahan ang mga Batangueño na nasa loob ng 14-km danger zone radius ng Bulkang Taal, pormal na ini-activate ng National Nutrition Council (NNC) CALABARZON ang Batangas Provincial Nutrition Cluster sa isang pagpupulong na ginanap noong ika-23 ng Enero 2020 sa Provincial Health Office (PHO) Conference Room, Capitol Site, Batangas City.

Ang Batangas Provincial Nutrition Cluster and Municipal Nutrition Action Officers Meeting for Taal Volcano Eruption Response ay isinagawa ng NNC CALABARZON, sa pangunguna ni Regional Nutrition Program Coordinator, Ms. Carina Z. Santiago, katuwang ang PHO.

Hangad ng pagpapakilos sa mga local nutrition workers na matutukan ang pagbibigay ng nutrition supplements sa mga buntis at mga sanggol, at makapangalap ng mga datos upang makita ang katatayuan ng mga sanggol at buntis sa mga evacuation centers, at maagang malaman ang mga wastong tugon kung may mga malnourished infants and pregnant mothers.

Sa kanilang isinagawang assessment sa ilang mga evacuation centers sa lalawigan, iniulat ng NNC Region 4A na kinakailangang tutukan ang pagbibigay ng micronutrient supplements, pagkakaroon ng health workers ng mga anthropometric tools, infant and young children feeding materials, at nutritional menu.

Napag-alaman din nila na sa 201 na ina sa mga evacuation centers, na may sanggol na 0-6 months, 103 sa mga ito ang ayaw mag-breastfeed ng kanilang mga anak.

Kaya binigyang-diin din ng mga NNC officials ang pagpapalawig pa ng adbokasiya tungkol sa kagandahang dulot ng gatas ng ina sa kanilang mga anak, kumpara sa infant formula.

Ipinaalala rin nila ang pagbabawal na tumanggap o manghingi ng breastmilk substitutes o formula milk para sa mga evacuation centers, sang-ayon sa Executive Order No. 51 o Philippine Milk Code.

Nagbigay din sila ng mga pasteurized breastmilk sa Batangas Medical Center sa Lungsod ng Batangas, Lipa City Health Office, at Bauan Technical High School evacuation center.

Sa parte ng pamahalaang panlalawigan, ibinahagi ng PHO, na kinatawan nina Dr. Josephine Gutierrez, at Nutrition Officers Digna Ilustre at Cynthia Lacaba, na namahagi sila ng mga vitamins, nagsagawa ng breastfeeding counseling, at nagpalagay ng isang cooking station sa evacuation center sa Provincial Sports Complex sa Bolbok, Batangas City.

Namahagi rin ang mga nutrition officials ng Nutri-Komiks at iba pang information materials na maaaring ipamahagi sa mga evacuees upang makapagbigay ng dagdag kaalaman.

Vince Altar – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.