Educational Assistance para sa Batangueño Scholars, Ipinamamahagi na Muli

Unang Tatlong Kaso ng COVID 19 sa Agoncillo, Naitala
June 23, 2020
SMART-PLDT Donation
June 23, 2020

June 23, 2020

Sa pangunguna ng mga kinatawan mula sa kasama sa Office of the Provincial Governor- Scholarship Division, muling ipinamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang educational assistance sa mga estudyanteng Batangueño mula sa iba’t ibang munisipalidad at lungsod ng lalawigan.

380 na mga mag-aaral mula sa mga Bayan ng Nasugbu, Balayan at Bauan ang nakatanggap ng ayuda mula sa scholarship program ni Gov. DoDo Mandanas, na may kabuuang halaga na ₱1,317,000.00.

Ayon sa Scholarship Division, sa pangunguna ni Ginoong Cris Ramos, nakatakdang maabutan ng tulong pinansyal ang mga iskolar mula sa Lungsod ng Tanauan sa Hunyo 23, Bayan ng Rosario sa Hunyo 24, at Lungsod ng Lipa sa Hunyo 25. 588 na mga estudyante sa nasabing mga local government units ang makatatanggap ng grant na may kabuuang halaga na ₱2,582,000.00.

Dagdag pa ni Ginoong Ramos, tinatapos na ng kanilang tanggapan ang iskedyul para sa iba pang mga bayan sa lalawigan.

Sa naging panayam naman kay Ginang Merlita Pasatiempo, Executive Assistant IV for Scholarship Program, hindi aniya magiging hadlang ang kasalukuyang kinakaharap na pangkalusugang krisis na COVID-19 upang maipaabot ang agarang tulong pang-edukasyon.

Tiniyak din ni Gng. Pasatiempo na tuloy-tuloy lamang ang Pamahalaang Panlalawigan, sa pangunguna ni Governor DoDo Mandanas, sa pagganap ng tungkulin nang sa gayon ay maihatid ang nararapat na suporta at pag-alalay para sa kagalingan ng bawat isang mag-aaral na Batangueño.

M.A. Carag – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
4

Comments are closed.