June 23, 2020
Naging kinatawan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas at ni Gov. DoDo Mandanas sina Mrs. Ma. Isabel Bejasa, Chief of Staff ng Tanggapan ng Gobernador, at GSO Department Head Paulita Maneja nang tanggapin ang 220 boxes ng KN95 masks at 220 boxes ng disposable surgical masks mula sa SMART-PLDT noong ika-23 ng Hunyo 2020 sa Marble Terrace , Capitol Compound, Batangas City.
Pinasalamatan ni Mrs. Bejasa ang delegasyon ng SMART- PLDT, na pinangunahan ni Ms. Armie G. Villaroman, Area Manager for Batangas ang Mindoro Province, sa kanilang medical donation para sa mga Batangueño frontliners, at si Ginoong Alex Yap, na nakipag-ugnayan sa telecommunication company para maisakatuparan ang nasabing ayuda.
Batangas PIO