Unang Tatlong Kaso ng COVID 19 sa Agoncillo, Naitala

Mobile Markets, Tindahan at Paninda para sa mga Rural Areas ng Batangas, Ipakakalat
June 23, 2020
Educational Assistance para sa Batangueño Scholars, Ipinamamahagi na Muli
June 23, 2020

June 23, 2020

Naitala sa Bayan ng Agoncillio ang unang mga kaso ng COVID-19 disease matapos magpositibo ang isang 25-taong gulang na lalaki, na may travel history sa National Capital Region, noong ika-19 ng Hunyo 2020, na nakahawa naman sa kanyang ina at tiyahin.

Ayon sa Agoncillio Rural Health Unit (RHU), nagpakita ng mild symptoms ng coronavirus ang nasabing lalaki, na nagtatrabaho sa Lungsod ng Parañaque at umuwi noong Hunyo 11. Sumailalim ito, at ang kanyang ina at tiyahin, sa PCR Swab Test at pare-parehong lumalabas na positibo sa COVID-19.

Agad namang umaksyon ang mga opisyal ng Pamahalaang Bayan ng Agoncillo, sa pangunguna ni Mayor Daniel Reyes, at mga kasapi ng RHU na nagsagawa ng contact tracing sa mga nakasalumuha ng mga pasyente.

Sa isinagawang contact tracing, napag-alaman na nagkaroon ang mga ito ng malapitang pakikisalamuha sa nasa 120 na mga indibidwal dahil nagkaroon ng isang selebrasyon sa kanilang tahanan. Sumasailalim sila ngayon sa close monitoring ng RHU. Sa kasalukuyan, sampung katao na ang sumailalim sa PCR Swab Test ng Agoncillo RHU.

Agarang nagbigay ng direktiba at nakipag-ugnayan ang Batangas Province Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa pamahalaang lokal ng Agoncillo para masiguro na naisasagawa ang mga health protocols sa pag-aksyon at pangangalaga ng mga positibong kaso ng Coronavirus Disease.

E.V. Zabarte, Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
2

Comments are closed.