Bagong gusali sa Dalipit, Alitagtag Elementary School, pinasinayaan

Pagpapatupad ng Batangas Transport and Road Usage Code, tinalakay sa Kapitolyo
August 19, 2019
Pag-uulat sa pagtatasa at pagbubuwis ng ari-arian sa lalawigan isinagawa
August 20, 2019

August 20, 2019

Pinasinayaan at binasbasan ang bagong gusali ng Dalipit Elementary School (DES) sa Bayan ng Alitagtag, sa pangunguna nina Governor DoDo Mandanas, Alitagtag Mayor Edilberto Ponggos, Vice Mayor Bernardo Reyes, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, at mga kapitan ng iba’t-ibang barangay, kasama ang mga guro at mag-aaral ng nasabing paaralan noong ika-20 ng Agosto 2019.

Ang dalawang palapag na gusali ay binubuo ng apat na silid-aralan at mayroong modernong disenyo at kagamitan tulad ng bagong desks.

Sa naging mensahe ni Gov. Mandanas, binigyang-diin nito ang kahalagahan ng edukasyon at pagpapayaman ng kaalaman ng mga mag-aaral.

Ibinahagi niya ang kaniyang naging karanasan noong panahong siya ay mag-aaral pa lamang, ganun na rin ang paggabay ng kaniyang ina na isa ring guro kaya ganoon na lamang ang pagpapahalaga niya sa edukasyon.

Nagpaabot din ito ng mensahe sa lahat ng opisyal ng Pamahalaang Lokal ng Alitagtag, na paglaanan at bigyan ng sapat na pondo ang lahat ng mga paaralan, kasama na rin dito ang pagkakaroon ng internet, laptop, school equipment at computer room para mas mapataas ang antas at kalidad ng pag-aaral ng mga kabataan.

Samantala, tuloy-tuloy din aniya ang pagpapalawig ng kaniyang scholarship program sa mga kabataang Batangueño, lalo na sa mga anak ng mga kawani ng barangay.

Malaking pasasalamat naman ang ipinaabot ni Mrs. Zenaida Gutierrez, ang principal ng DES, sa pamahalaang panlalawigan sa pagbibigay sa kanila ng isang bagong gusali, kasabay na nangako, kasama ng bawat guro ng nasabing paaralan, na kanila itong iingatan at pananatilihing malinis at maayos.

Kasama rin sa nasabing pagpapasinaya sina Provincial Engr. Gilbert Gatdula, Mrs. Merly Pasatiempo ng Scholarship Division, Mrs. Evelyn Estigoy ng Provincial School Board, Parent-Teachers’ Association President Liezel Dolor, Samahang Batangueña Member Vicky Alday, former Assistant Schools Division Superintendent ng Batangas at ngayon ay Schools Division Superintendent ng Lipa City, Dr. Florencia Dela Peña, at Dalipit Barangay Captain Crisostomo Gutierrez.

Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.