Pag-uulat sa pagtatasa at pagbubuwis ng ari-arian sa lalawigan isinagawa

Bagong gusali sa Dalipit, Alitagtag Elementary School, pinasinayaan
August 20, 2019
Batangas International Port, patuloy na pinalalakas
August 20, 2019

August 20, 2019

Nagbigay ng update para sa mga kaukulang buwis at halaga ng mga ari-arian sa lalawigan ang tanggapan ng Provincial Assessor’s Office sa pangunguna ni Engr. Eduardo B. Cedo kung saan ipinagbigay alam din nito na nakapagtala ang lalawigan ng Php121 Billion Total Taxable Assessed Value sa buwan ng Hunyo 2019.

Ang nasabing tagpo ay naganap sa isinagawang pag-uulat noong ika-19 ng Agosto 2019 sa Provincial Auditorium, Capitol Site, Batangas City.

Tinalakay sa nasabing report ang R.A. 11231 o mas kilala bilang “Agricultural Free Patent Reform Act” at R.A. 11213 o “Tax Amnesty Act” of 2018.

Ang R.A. 11231 ay ang pagbabago sa Agricultural free patent kung saan ang mga lupang pang agrikultura ay dapat isaalang-alang bilang isang paraan ng pagbabayad kung saan nabibigyan ng pagmamay-ari ang bumibili at hindi dapat isailalim sa anumang mahigpit na proseso at mga paghadlang.

Kaugnay nito, ang R.A. 11213 naman ay naglalayon na mabigyan ng amnestiya ang mga hindi nakapagbayad ng buwis sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at estate tax sa loob ng 2017 at mga nakalipas na taon.

Samantala, ayon sa punong taga-tasa, ang Tax Amnesty ay hanggang sa Hunyo taong 2020 na lamang, kaya hinihikayat niya ang mga Batangueñong may mga kaanak na may naiwang mga ari-arian na hindi pa naililipat sa mga tagapagmana nito simula noong December 2017 at mga nakalipas na taon ay iminumungkahi na mag file na sa BIR ng estate tax.

Sa pamamagitan ng R.A. 11213 ay tatanggalin ang mga penalties at surcharges, kung saan kabuuang halaga na lamang ang babayaran at ang basis ng halaga ay doon sa pinakamalapit na pamuwisan ng pagkamatay ng nawalang kaanak.

Bryan Mangilin – Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.