“Sama-sama tuldukan ang TB.” Pinangunahan ni Batangas Governor Dodo Mandanas ang Pledge of Commitment ng mga miyembro ng Batangas Provincial Multi-Sectoral Alliance against Tuberculosis sa pagtitipon para gunitain ang 2017 World Tuberculosis Day ng Batangas Provincial Health Office at Department of Health – Region IV-A noong Marso 16, 2017 sa Pontefino Hotel sa Batangas City. Vince Altar / Photo: Eric Arellano - PIO Batangas Capitol
March 23, 2017
“Sama-sama tuldukan ang TB.”
“Sama-sama tuldukan ang TB.” Pinangunahan ni Batangas Governor Dodo Mandanas ang Pledge of Commitment ng mga miyembro ng Batangas Provincial Multi-Sectoral Alliance against Tuberculosis sa pagtitipon para gunitain ang 2017 World Tuberculosis Day ng Batangas Provincial Health Office at Department of Health – Region IV-A noong Marso 16, 2017 sa Pontefino Hotel sa Batangas City. Vince Altar / Photo: Eric Arellano – PIO Batangas Capitol
Ito ang tema ng 2017 World Tuberculosis Day Commemoration na magkasamang ginunita ng Batangas Provincial Health Office at Department of Health –Region IV-A sa pamamagitan ng isang pagtitipon na ginanap noong Marso 16, 2017 sa Pontefino Hotel sa Batangas City.
Sa nasabing assembly, binigyang-diin ni Gov. Dodo Mandanas ang pagtutok na ibinibigay ng pamahalaang panlalawigan sa mga programang patungkol sa kalusugan. Nagbahagi naman ng kanilang mga proyekto at accomplishments sina Dr. Rosvilinda Ozaeta, ang Batangas Provincial Health Officer; Dr. Maria Elena G. Castillo Gonzales, ang National Tuberculosis Program Regional Coordinator; at Dr. Rio Magpantay, ang DoH – CALABARZON Regional Director.
Kasama nina Gov. Mandanas, Vice Gov. Nas Ona, Board Members Arlina Magboo, Ramon Bausas at Divina Balba ang mga health officials nang bigyang parangal ang mga local government units at indibidwal sa kanilang matagumpay na pagkilos para tuluyan nang masugpo ang TB sa kanilang mga lokalidad.
Pinangunahan din ng Batangas governor ang Pledge of Commitment ng mga miyembro ng Batangas Provincial Multi-Sectoral Alliance against TB.
Bukod kay Dr. Ozaeta, naging abala sa taunang pagtitipon sina PHO Assistant Department Head Dr. Mercedita Salud; Dr. Josephine Gutierrez, Technical Service Chief ng PHO; Dr. Rosalie Masangkay, Provincial TB Medical Coordinator; at Mrs. Perla Tan. Vince Altar / PIO Capitol