1st Senior Citizens Regional Conference ginanap sa Batangas Capitol

5th Batangas Provincial Urban Fire Olympics, Isinagawa
March 22, 2017
World TB Day 2017 ginunita sa Batangas Province
March 23, 2017

CALABARZON Senior Citizens. Naging host ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas at si Gov. Dodo Mandanas nang magtipon ang mga senior citizens ng Region IV-A (CALABARZON) para sa 1st Regional Conference of Senior Citizens sa Bulwagang Batangan sa Kapitolyo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas noong ika-16 ng Marso 2017. Vince Altar / Photo: Eric Arellano - PIO Batangas Capitol

March 22, 2017

CALABARZON Senior Citizens. Naging host ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas at si Gov. Dodo Mandanas nang magtipon ang mga senior citizens ng Region IV-A (CALABARZON) para sa 1st Regional Conference of Senior Citizens sa Bulwagang Batangan sa Kapitolyo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas noong ika-16 ng Marso 2017. Vince Altar / Photo: Eric Arellano – PIO Batangas Capitol

Nagtipon ang mga senior citizens ng Region IV-A (CALABARZON) para sa 1st Regional Conference of Senior Citizens sa Bulwagang Batangan sa Kapitolyo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas noong ika-16 ng Marso 2017.
Naging tampok na aktibidad ng pagtitipon ang pagbabahaginan ng mga programa at proyekto para sa mga senior citizens nina Batangas Provincial Social Welfare and Development Officer Joy Montalbo at Social Worker II na si Cefronia Majuelo, na siyang Focal Person ng Dept of Social Welfare and Development Region IVA para sa mga senior citizens.

Nagbigay ng inspirational message sina Gov. Dodo Mandanas, Vice Gov. Nas Ona at Senior Board Member Weng Sombrano Africa, na Chairperson ng Committee on Elderly ng Sangguniang Panlalawigan. Nagbahagi din ng kanilang mga mensahe sina Regional Federation of Senior Citizens President Frank Fajutagana at Provincial Office of Senior Citizens Affairs Head Roman Rosales.

Nito lang nakaraang Hulyo 2016, pormal na naging tanggapan sa ilalim ng Office of the Provincial Governor ang Batangas Provincial Office of Senior Citizens Affairs sa pamamagitan ng Provincial Ordinance No. N-001, Year 2016 na inamyendahan ang naunang Office of Senior Citizens Affairs Ordinance of the Province of Batangas.

Bilang patunay ng suporta ng pamahalaang panlalawigan, mabibigyan ng Quarterly Honorarium na nagkakahalaga ng PhP 1,500 ang mga senior citizen federation presidents sa lalawigan. Vince Altar / PIO Capitol

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.