Wastong Pamamahala sa Basura, Ipinaalala ng PG-ENRO sa lahat ng Batangas Capitol Offices

Batangas Provincial Government – Environment and Natural Resources Office, Naglahad ng Accomplishments
July 16, 2018
Batangas Province PWD Federation, nakiisa sa NDPR Week Pogram ng BatMC
July 18, 2018

July 18, 2018

Isang pagpupulong tungkol sa mga basura mula sa bawat tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang isinagawa sa pangunguna ng Provincial Government Environment and Natural Resources noong ika-18 ng Hulyo 2018 na ginanap sa PGENRO Conference Room, Capitol Site, Batangas City.

Ayon kay PG-ENRO Department Head, Mr. Luis Awitan, kinakailangang mabawasan ang dami ng basurang itinatapon ng mga tanggapan sa Sanitary Landfill Facility (SLF) ng Batangas City dahil malapit na itong mapuno. Dahil dito, kasalukuyang kinokontrol at nililimitahan ng Pamahalaang Panlungsod ng Batangas ang mga pinapayagang makapagtapon ng basura dito.

Naging sentro ng pagpupulong ang mga paraan upang mapagbuti ang waste management practices at upang mabawasan ang dami ng basurang itinatapon na nagmumula sa mga tanggapan ng pamahalaang panlalawigan.

Kabilang sa mga hakbang na napagtalakayan ay sa pakikipag-ugnayan sa Provincial Cooperative, Livelihood and Enterprise Development Office o PCLEDO. Ayon kay Ms. Celia Atienza, PCLEO Department Head, isa sa mga kooperatiba sa Batangas City ang nag-alok ng partnership upang makatulong sa pangangasiwa ng mga basura ng mga tanggapan ng pamahalaang panlalawigan.

Ang San Jose Sico Multi Purpose Cooperative, na pinamumunuan ni Mr. Rex de Guzman, ay naghain ng kanilang programa upang makatulong sa pamamahala ng mga basura ng Kapitolyo. Upang mabawasan ang dami ng mga basurang itinatapon sa landfill, ang mga recyclables ng bawat tanggapan ay bibilhin at regular na kokolektahin ng nasabing kooperatiba.

Pinaalalahanan din ni Mr. Awitan ang bawat tanggapan na mahigpit na ipatupad ang wastong waste segregation o paghihiwahiwalay ng mga basura, na bukod sa obligasyon ng bawat isa, sang-ayon sa batas, ay isa rin sa mga mahalagang batayan ng Department of the Interior and Local Government para sa mga LGUs na magagawaran ng Seal of Good Local Governance. Elfie Ilustre – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.