Batangas Provincial Government – Environment and Natural Resources Office, Naglahad ng Accomplishments

Barako Hour, Inilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas
July 16, 2018
Wastong Pamamahala sa Basura, Ipinaalala ng PG-ENRO sa lahat ng Batangas Capitol Offices
July 18, 2018

TOGETHER WE PROTECT MOTHER NATURE. Left Photo, Provincial Administrator Librado G. Dimaunahan administers the oath-taking of the newly-elected officers of Batangas Province Environment and Natural Resources Officers’ Association (BENROA), as witnessed by the Sangguniang Panlalawigan Board Members. Right Photo, the Provincial Administrator and the SP Board Members confer a Certificate of Commendation to Republic Cement - Batangas Plant. ✎ Mark Jonathan M. Macaraig at Louise Mangilin/Photo by Eric Arellano - Batangas Capitol PIO

July 16, 2018

TOGETHER WE PROTECT MOTHER NATURE. Left Photo, Provincial Administrator Librado G. Dimaunahan administers the oath-taking of the newly-elected officers of Batangas Province Environment and Natural Resources Officers’ Association (BENROA), as witnessed by the Sangguniang Panlalawigan Board Members. Right Photo, the Provincial Administrator and the SP Board Members confer a Certificate of Commendation to Republic Cement – Batangas Plant. ✎ Mark Jonathan M. Macaraig at Louise Mangilin/Photo by Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Isa sa mga adhikain ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ay ang mapangalagaan ang ating kapaligiran at mga likas na yaman, patunay na nga dito ang patuloy na pagsusumikap na makagawa at makapag-implementa ng mga programang sumasaklaw sa usaping pangkalikasan.

Sa isinagawang lingguhang pagpupugay sa bandila ng Pilipinas noong ika-16 ng Hulyo 2018, nagbigay ng kanyang ulat ang puno ng tanggapan ng Provincial Government – Environment and Natural Resources Office (PG – ENRO), Luis A. Awitan, ukol sa mga natapos na mga proyektong ipinapatupad para mabigyang proteksyon ang mga ipinagmamalaking likas na yaman ng Lalawigan.

Tinalakay sa nasabing pag-uulat ang Solid Waste Management na nakatuon sa tamang pamamahala ng mga basura sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga meetings and orientation ng iba’t-ibang Local Government Units sa buong probinsya. Nabanggit din ang Small Scale Mining Regulation na tumatalakay sa mga isinagawang monitoring at pagpoproseso ng permit application ng mga minahan, kasama na rin ang pagimbestiga at pagtugon sa mga hinaing sa nasabing regulasyon.

Para naman sa usapin patungkol sa mga marine and coastal areas, muling sinisikap ng PG-ENRO ang updating ng datos para sa 2nd State of the Coasts (SOC) report ng lalawigan. Ang nasabing pagbibigay ng ulat sa estado ng mga baybaying-dagat ay isang gabay na dokumento na nagpapaliwanag kung ano ang mahusay at epektibong pamamaraan upang makamit ang pag-unlad ng ekonomiya kaugay ng patuloy na paggamit ng yamang dagat, na inaasahang makakapaglabas o matatapos ang report ngayong taon.

Samantala, nagbigay ang Pamahalaang Panlalawigan ng sertipiko ng komendasyon para sa Republic Cement – Batangas Plant bilang pagkilala sa pambihira nilang implementasyon sa pagpapatupad ng mga proyekto na nagtataguyod ng pagmamalasakit sa kapaligiran at komunidad tulad ng mahigpit na pagsunod sa inirerekumendang pamamaraan ng pagmimina, malawakang pag-iimbak at pagsisikap para sa reforestation.

Nanumpa naman ang mga bagong talagang opisyal ng Batangas Environment and Natural Resources Officers’ Association (BENROA) na nagmula sa ibat’-ibang Municipal Environment and Natural Resources Offices (MENRO) ng lalawigan. Ang nasabing oathtaking ay pinangunahan ni Provincial Administrator Levi Dimaunahan kasama ang ilang mga Board Members ng Sangguniang Panlalawigan.

Ang mga BENROA officials ay sina Alvin Cirilo M. Jonson ng Lian bilang President, Editha U. Eusebio ng Malvar bilang Vice President, Ma. Emelyn C. Custodio ng Calatagan bilang Secretary, Mhelda Grace L. Leyma ng Taal bilang Treasurer, Engracia P. Caringal ng Mataas na Kahoy bilang Auditor at sa bawat distrito ay may Public Relations Officer na nagmula sa Calaca, Mabini, Balete, San Juan, Batangas City at Lipa City. – Mark Jonathan M. Macaraig at Louise Mangilin – Batangas Capitol PIO

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.