Batangas Province PWD Federation, nakiisa sa NDPR Week Pogram ng BatMC

Wastong Pamamahala sa Basura, Ipinaalala ng PG-ENRO sa lahat ng Batangas Capitol Offices
July 18, 2018
Bukid to Bahay Farm Product Expo, Ibibida ang Produktong Batangas
July 19, 2018

July 18, 2018

Sa pagdiriwang ng 40th National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) Week, naglunsad ang Batangas Medical Center (BatMC) ng isang linggong programa na nakatutok sa pagbibigay ng mga pagkakataon sa mga Persons with Disabilities (PWDs) upang mabuhay at mamuhay nang produktibo sa kabila ng kanilang mga kapansanan.

Sa gabay ng temang “Kaalaman, Kasanayan, Para sa Kabuhayan Tungo sa Kaunalaran”, ang nasabing okasyon ay pinangunahan ni Dr. Ramoncito C. Magnaye, Medical Center Chief II at Ann-Rochelle D. Malleta, Head ng Rehabilitation Medicine Department, na kapwa nagmula sa BatMC, katuwang ang Federation of Persons with Disabilities of the Province of Batangas Inc. (FPDPBI), sa pamumuno ng pangulo nito na si Mr. Nelson Adante na isa ring empleyado ng Pamahalang Panlalawigan ng Batangas.

Bilang panimula, naging tampok na gawain ang pagdaraos ng Mini Parade na ginanap noong ika -16 ng Hulyo 2018 sa BatMC Circle. Dito ay nakiisa ang humigit kumulang limampung PWDs na nagmula sa Lungsod ng Batangas at bayan ng San Pascual.

Kabahagi rin sa mga nakalaang aktibidad ang Display and Sale of Products, Livelihood Seminar for the Disabled hatid ng TESDA, Inspirational Talk, Exercise Training at PWD Got Talent Search.

Ayon naman kay Mr. Adante, sa tulong ng kanilang samahan, nakapagpadala sila ng mga paninda gaya ng Salabat mula sa bayan ng Cuenca, tsinelas mula sa Laurel at Dishwashing Liquids mula naman sa bayan ng Alitagtag. Ang mga nasabing produkto ay tulong, aniya, para sa karagdagang kikitain ng itinayong booth sa BatMC.

Samantala, naniniwala naman ang Batangas Medical Center na sa ganitong paraan ay makakatulong sila upang maipakita sa komunidad ang mga natatanging kontribusyon at dedikasyon ng mga Persons with Disabilities. – Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.