Life Saviors, Binigyang pagkilala sa 8th Sandugo Awards

Kampanya laban sa droga, krimen at trapik tututukan ng administrasyong Mandanas
July 14, 2016
Vice Gov. Nas: Mas papabilisin ang serbisyo ng SP, makikiisa kay Gov. Dodo
July 21, 2016

Binigyang buhay ng Batangas Provincial Blood Council  ang temang “ Blood Connects Us All” sa ginanap  8th Sandugo Awards noong ika-27 ng Hulyo 2016 sa Batangas City Convention Center.

Ang  Annual Sandugo Awards ay isang programang hatid ng Pamahalang Panlalawigan ng Batangas na nagbibigay  pagpupugay at pasasalamat sa mga blood heroes o active partners sa blood donations sa buong lalawigan.

Naging pangunahing panauhin sa programa si Batangas Governor Hermilando I. Mandanas na  taos-pusong nagpasalamat sa lahat  ng nakilahok  sa  adhikain ng Provincial Blood Council.

“Dapat sa inyo ay binibigyan ng parangal araw-araw sapagkat araw-araw ay may isang buhay na nangangailangan ng inyong  dugo,”  ito ang unang salitang binitawan ng Gobernador sa harap ng mga blood heroes. “ Hindi tulad ng pera, na pwede nating makuha kung saan, ang inaalay niyo dito ay bahagi ng inyong buhay,” dadag nito.

Binigyan-diin  ni Governor Mandanas na dapat  isa -puso at isa-isip ng bawat  Batangueño ang dakilang adhikaing ito, bilang  pagpapakita sa buong bansa na simula pa noon, kilala  ang Batangas bilang isa  sa mga naunang lalawigan  na nag-alay ng dugo sa pag-aaklas sa mga mananakop.

Kinilala sa okasyon ang mga itinayong blood councils na binubuo ng mga aktibong indibidwal at  grupo  na kinabibilangan ng non-government organizations,  community organizations, local government units, academe at  business organizations .

Sa hanay ng mga Local Government Units na mga pangunahing partners ng blood collection program, nanguna sa Top Ten ang Lungsod ng Lipa para sa taong ito,  at sinundan  ng mga  bayan ng Calatagan, Cuenca, San Juan, Batangas City, Alitagtag, Malvar, Tanauan City, Taysan at Balayan.

Tinangahal na naman sa Top 5 Performing Blood Collectors para sa private and public  sectors partners ang  Lyceum of the Philippines University-Batangas MLS Dept.  Atlantic Gulf and the Pacific; LPU-Batangas CITHM; Cancer Warriors Foundation at ang Philippine National Police.

Sa taong ito,  binigyang pagkilala ang kabuuang 549 donors mula sa Local Government Units, Private Companies,  at Academe.

Dahil dito, umabot sa 120%  rate ang koleksyon ng  Provincial Blood Council, daan upang makamit ang target na mapagsilbihan ang higit na 1%  na kabuuang populasyon ng lalawigan.

Ipinagbigay alam ni Governor Mandanas ang paglalaan ng paunang  P1M piso para sa mga nakalatag na programa ng Blood Council, na nakatutok sa pag-angkat ng mga kaalaman at teknolohiya. Magiging katuwang ito ng nakatakdang  pagdating  ng dalawang  Blood Refrigeration Units sa lalawigan,  sa pamamagitan ng Philippine National Red Cross-Batangas, at Batangas Medical Center.

Batangas PIO/ Edwin V. Zabarte

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Leave a Reply