VG Leviste: Ordinansa para sa Batangas Micro, Small and Medium Enterprises Development Council Pasado Na

Tsunami Contingency Planning Isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas
August 4, 2023
Balayan Pride, Wagi Muli sa International Math at Science Contests
August 8, 2023

August 4, 2023

Pasado na sa pangatlong pagbasa ang Joint Committee Report on Laws, Rules and Ordinances at Committee on Cooperative, Livelihood and Economic Enterprise, kung saan nakapaloob ang pagkakapasa ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas ng ordinansa na nag-aamyenda sa Provincial Ordinance 007 Year 2017 o mas kilala bilang Batangas Micro, Small and Medium Enterprises Development Council, na iniakda nina 5th District Senior Board Member Claudette Ambida at 4th District Board Member Jonas Patrick Gozos.

Sa naging panayam ng B’yaheng Kapitolyo noong ika-2 ng Agosto 2023, ibinahagi ni Vice Governor Mark Leviste na malaking bagay ang pagpapasa nito para sa kapakinabanagan ng mga micro entrepreneurs sa ating lalawigan, sapagkat madalas ang mga insentibo at pribilehiyo sa buwis ay mas para sa kapakinabangan ng mga malalaking negosyo o mga kumpanya.

Subalit sa pagkakataong ito aniya, sa pagpapatibay ng Batangas Micro, Small and Medium Enterprises Development Council, mabibigyang boses at pagkakataon ang mga entrepreneurs na makilahok sa mga programa ng provincial government. Sa ganitong paraan, magagawang mas palakasin pa ang ating ekonomiya, hindi lamang sa mga multi-national companies at malalaking korporasyon, ngunit para na rin sa mga maliliit at lokal na mga negosyo.

Ipinarating din ni Vice Governor Leviste na, sa kabila ng pandemya, marami man ang nagsara ay mas marami ring mga bagong negosyo ang nakilala at nauso, na naging malaking parte ng ekonomiya.

Inaasahan ding magkakaroon ng mga one-stop shops para sa mga MSMEs upang mas maging mabilis, madali at makapang-engganyo ng pagbubukas ng mga negosyo, kahit gaano man ito kaliit.

Ang adhikaing patuloy na mapalakas ang ekonomiya ng Lalawigan ng Batangas, mula sa mga pagsubok na dulot ng COVID-19 pandemic, ay magkatuwang na isinusulong ni Gov. DoDo Mandanas at ng Sangguniang Panlalawigan.

Jayne Elarmo Ylagan – Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.