Vax Center sa Kapitolyo, Bukas nang Muli

COVID-19 Bed Occupancy Rate sa mga Ospital sa Batangas, Patuloy ang Pagbaba
February 5, 2022
2021 Batangas State of the Province Address, Inilahad
February 6, 2022

February 5, 2022

Muling ipinagpatuloy kahapon, araw ng Miyerkules, ika-2 ng Pebrero 2022, ang isinasagawang pagbabakuna at pagbibigay ng COVID-19 vaccine booster shots sa mga indibidwal na kabilang sa A1-A5 priority groups sa DREAM Zone, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas.

Magugunitang pansamantalang itinigil ang bakunahan na ginaganap sa nasabing vaccination center matapos mahigit 30 sa vaccination team ang nagpositibo sa COVID-19 noong Enero 2022.

Kaugnay nito, batay sa inilabas na ulat ng Provincial Health Office (PHO), mahigit 249 ang nabakunahan kahapon ng Astra Zenca, Moderna, Pfizer, Sinovac. 18 sa mga ito ang tumanggap ng kanilang first dose, 18 ang tumanggap ng kanilang 2nd dose at 213 ang tumanggap ng kanilang COVID-19 booster shot.

Sa naging ulat ni Provincial Health Officer, Dr. Rosvilinda Ozaeta sa ginanap na lingguhang pagpupulong ng Provincial Inter-Agency Task Force Against COVID-19 (IATF) noong Lunes ika-31 ng Enero 2022, umabot na sa 1,717,248 o 78.93% ang tumanggap na ng kumpletong bakuna samantalang umaabot naman sa 234,061 o 10.79% ang tumanggap na ng Covid-19 vaccine booster shot.

Bukas ang bakunahan para sa mga nagnanais makatanggap ng kanilang una, pangalawa at COVID-19 booster shot ngayong araw ng Huwebes, ika-3 ng Pebrero hanggang bukas ika-4 ng Pebrero 2022.

Muli namang ipinaalala ni Gov. DoDo Mandanas na mahalagang magpabakuna na upang mapalakas ang katawan kontra sa COVID-19 virus. Aniya, kaya puspusan ang vaccination sa lalawigan, kahit maging ang mga gumaganap sa pagpapabukana ay humaharap sa malaking banta sa kanilang kalusugan.

Janssen Olimba – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.