COVID-19 Bed Occupancy Rate sa mga Ospital sa Batangas, Patuloy ang Pagbaba

Notice of Vacant Positions
February 3, 2022
Vax Center sa Kapitolyo, Bukas nang Muli
February 5, 2022

February 5, 2022

Bumaba na sa 45.4% ang Covid-19 Bed Occupancy Rate sa mga pampubliko at pribadong ospital sa Lalawigan ng Batangas nitong January 28, 2022, mula sa 51.1% noong nagdaang January 21, 2022, ayon sa ulat ni Provincial Health Officer, Dr. Rosvilinda Ozaeta, sa naganap na online Provincial Inter-Agency Task Force Against COVID-19 (IATF) at Batangas Local Health Board Meeting noong Lunes ng umaga, Enero 31, 2022.

347 na lamang ang occupied beds, samantalang 418 naman ang mga bakanteng kama noong January 28, 2022, kumpara sa 445 occupied beds at 363 na bakanteng kama noong January 21, 2022.

Partikular ditto, 29 o 35.80% na kabuuang bilang ng ICU beds, 243 o 53.29% na isolation beds at 179 o 64.62% na ward beds ang nananatiling bakante, habang 57 o 82.61% naman ang bakanteng mechanical ventilators.

Dagdag pa ni Dr. Ozaeta, nasa moderate na ang risk classification ng lalawigan pagdating sa ICU beds at nasa safe side naman sa isolation at ward beds, at mechanical ventilators.

Walang humpay na paalala naman ni Gov. DoDo I. Mandanas na ugaliin ang paghuhugas ng kamay, pag-iwas sa maraming tao at wastong pagsusuot ng mask upang maiwasan ang panibagong surge ng COVID-19. Nais din ng gobernador na mas mapataas pa ang bilang ng mga nabakunahan sa lalawigan.

Vinson-Roi C. De Chavez – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.