Unang Harvest Day ng Maliputo Project ng Kapitolyo, Bayan ng San Luis Matagumpay

Mga Aktibidad ng 2023 Linggo ng Kabataan, Inilatag ng Batangas PACD
July 7, 2023
Gabay sa Pag-abot ng Wasto at Abot-kayang Nutrisyon, Ibinahagi ng Batangas PHO
July 11, 2023

July 7, 2023

Umabot sa 88 na kilo ng Maliputo ang matagumpay na naani ng Samahan ng Mandaragat ng San Luis, Batangas ngayong ika-7 ng Hulyo, 2023 sa karagatang sakop ng Brgy. Balite, San Luis, Batangas.

Ang unang harvest field day ay produkto ng isinagawang Maliputo Culture Project ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculture (OPAg), kabalikat ang Pamahalaang Bayan ng San Luis, na sinimulan noong Nobyembre 2022 at binubuo ng dalawang fish cages.

Ayon kay OPAg Department Head, Dr. Rodrigo Bautista, ang proyekto ay kaugnay sa adhikain ni Governor DoDo Mandanas na lalo pang palakasin ang sektor ng pangisdaan tungo sa pagkakaroon ng food sufficiency sa lalawigan. Natukoy aniya ang baybayin at katubigan ng Brgy. Balite na akma sa pag-aalaga ng maliputo, sang-ayon sa rekomendasyon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Lubos naman ang naging pasasalamat ni San Luis Mayor Oscarlito Hernandez sa pamahalaang panlalawigan sa nasabing proyekto, kasama ang iba pang mga gawaing hatid ng Kapitolyo sa kanilang bayan, lalo’t higit ang mga pagbibigay kabuhayan sa kanilang mga mamamayan.

Sa nakikitang potensyal ng proyekto, nangako ang BFAR na maglalaan sila ng karagdagang dalawang cages. May nakalinya na ring lima pang fish cages para sa nasabing proyekto ang OPAg sa susunod na taon, ayon naman kay Senior Aquaculturist JM Pangilinan.

Dumalo at sumaksi rin sa harvest day ang ilang konsehal ng bayan ng San Luis, Municipal Agriculturist Rinkoh Hernandez, Assistant Provincial Administrator Colin Garcia at iba pang mga opisyal at kinatawan ng pamahalaang panlalawigan, BFAR at Philippine Statistics Authority – Batangas.

Jun Magnaye / Photos: Mac Ocampo – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.