Tulong ng TESDA, Government Agencies sa mga Aeta ng San Luis, Matagumpay na Naisagawa

Paggawa ng Tinapay, Handog na Proyekto ng Kapitolyo para sa mga Taal Evacuees
March 5, 2021
Provincial Vet Office Nakatutok sa Rabies Awareness Month ngayong Marso
March 6, 2021

March 5, 2021

Isa sa pinakamalaking komunidad ng mga indigenous people o IP sa Lalawigan ng Batangas ay ang tirahan ng mga Aeta na matatagpuan sa Barangay Banoyo, San Luis, Batangas. Ang mga nasabing Aeta ay sampung taon nang kinukupkop ng Bayan ng San Luis.

Ito ang ibinahagi ni Ginoong Gerardo Mercado, Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) -Batangas Acting Provincial Director, sa panayam nito sa B’yaheng Kapitolyo, ang opisyal na programang pang-radyo ng Pamahalaang Panlalawigan, noong ika-1 ng Marso 2021.

Ayon kay PD Mercado, nauna nang nagsagawa ng community needs assessment ang TESDA sa nasabing Aeta community noong June 24, 2020, kaugnay ng pagbibigay ng ahensya ng tulong sa mga lubos na naapektuhan ng pandemya. Isa sa napagtuunan ng pansin ay ang kawalan ng kuryente sa kanilang komunidad. Gumagamit lamang pa rin sila ng kandila o “perok perok” para magkaroon ng liwanag sa gabi.

Matapos ang assessment, nakipagtulungan ang TESDA sa Pamahalaang Bayan ng San Luis at iba pang mga ahensya ng pamahalaan, upang maturuan ang mga Aeta ng tungkol sa Basic Solar Off-Grid Lighting and Charging System.

Nagsagawa sila ng limang araw na training nitong Pebrero 2021 upang mabigyan ng alternatibong pagkukunan ng kuryente ang Aeta community sa pamamagitan ng solar energy. 61 na pamilya ang naging recipient ng nasabing training.

Ang mga Aeta na sumailalim sa pagsasanay ay binigyan din ng training support provision, training allowance, health protection equipment allowance at mga kagamitang pangkalusugan, bukod pa sa internet allowance kung sakaling kailanganin nilang gumamit ng internet.

Kabilang sa mga naging katuwang sa proyekto ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Cooperative, Livelihood and Enterprise Development Office; Department of Trade and Industry; Philippine National Police; Philippine Air Force; at Department of Social Welfare and Development.

Francis Carlo L. Japor – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
2

Comments are closed.