Provincial Vet Office Nakatutok sa Rabies Awareness Month ngayong Marso

Tulong ng TESDA, Government Agencies sa mga Aeta ng San Luis, Matagumpay na Naisagawa
March 5, 2021
Pansamantalang Pagsasara ng Taysan Road, Inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan
March 6, 2021

March 6, 2021

Nakikiisa ang Pamahalaaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Office of the Provincial Veterinarian (ProVet), sa pagtataguyod ng buwan ng Marso 2021 bilang Rabies Awareness Month, na may temang “Maging Responsableng Amo, Huwag Hayaang Gumala ang Alagang Pusat Aso.”

Ayon kay Dr. Lorelie Austria, ang Rabies Program Focal Person ng Animal Division ng ProVet, kabilang sa mga aktibidad ay ang pagsasagawa ng malawakang pagbabakuna sa mga aso at pusa kontra rabies, sa pakikipag-ugnayan sa mga munisipyo at lungsod sa lalawigan.

Isa pang gawaing kaugnay nito ay ang mass spaying at castration, na naisasakatuparan by request o ayon sa kahilingan ng mga local government unit.

Binigyang-diin naman ng ProVet, sa pangunguna ni Provincial Veterinarian, Dr. Rommel Marasigan, na ang mga proyektong nabanggit ay buong taong aktibidad ng kanilang tanggapan, at hindi lamang tuwing buwan ng Marso. Nakatutok ang pamahalaang panlalawigan sa pagpapalaganap ng wastong kaalaman sa pag-aalaga ng mga hayop at pagiging mga responsableng pet owners.

Grace Briones / Photos: Batangas ProVet – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.