Paggawa ng Tinapay, Handog na Proyekto ng Kapitolyo para sa mga Taal Evacuees

Invitation to Submit Quotation (March 9, 2021)
March 5, 2021
Tulong ng TESDA, Government Agencies sa mga Aeta ng San Luis, Matagumpay na Naisagawa
March 5, 2021

March 5, 2021

Labing-limang indibidwal ang naging benepisyaryo at nakilahok sa isinagawang 4-day Skills Training Workshop sa Basic Baking na handog na proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas para sa mga Taal Evacuees na kasalukuyang naninirahan sa Sea Breeze Residences, Barangay Talaibon sa Bayan ng Ibaan.

Ang pagsasanay, na isinagawa noong ika-2 hanggang ika-5 ng Marso 2021, ay pinangunahan ng Provincial Cooperative Livelihood and Enterprise Development Office (PCLEDO) katuwang ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO)

Naisakatuparan ang workshop sa tulong ng mga pribadong organisasyon na kinabibilangan ng GOALS Training and Assessment Institue, Inc. at Pilmico Foods Corporation, ang integrated agri-business at food subsidiary ng Aboitiz Group Foundation.

Buong suporta rin na nakibahagi sa training ang Rotary Club of Lipa South at nagpahayag na maglalaan ng karagdagang tulong para sa mga benepisyaryo ng programa.

Tampok dito ang actual demonstration at evaluation ng performance output ng mga trainees pagdating sa paggawa ng iba’t-ibang uri ng tinapay na itinuturing na patok sa publiko o kalimitang nabibili sa mga bakeries. Sa pamamagitan nito, mas mabilis na mabebenta ang mga end-products at kalaunan ay makapagtataguyod ng tiyak na kita para sa mga biktima ng pagputok ng Bulkang Taal.

Sa pagtatapos ng pagsasanay, nagkaroon ng simpleng graduation kung saan binigyan ang mga nagsipagtapos ng sertipiko at isinagawa ang turn-over ng bakery starter kits mula sa GOALS Training and Assessment Institute, Inc.

Ang Skills Training Workshop in Basic Baking ay isa sa mga proyektong pangkabuhayan na bahagi ng tuloy-tuloy na pagsisikap ng Kapitolyo, alinsunod sa direktiba ni Governor DoDo Mandanas, upang matulungan ang mga Taal Evacuues na magkaroon ng sustainable livelihood opportunities nang sa gayon ay muli silang makabangon sa kanilang pamumuhay.

Mark Jonathan M. Macaraig / Photos and reports from MacVen Ocampo, Francis Milla – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.