Top 10 Awardee PSI Fabregas, Pinarangalan sa Batangas Capitol

Mga Batangueño, namayagpag sa 2018 BOSS 13th Ironman Motorcycle Challenge
January 29, 2018
Plano Para mas Malaman ng Publiko ang Ambisyon Natin 2040, Binalangkas ng NEDA 4A
January 30, 2018

Outstanding Police Officer. Binigyang pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna nina Gov. Dodo Mandanas, si Police Senior Inspector Alberto Fabregas (2nd sa kaliwa) matapos siyang mahirang bilang isa sa Top Ten Outstanding Police Officers sa buong Pilipinas na bahagi ng Association of Police Officers via Lateral Entry (APOLE) noong 2017 noong ika-29 ng Enero 2018 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City. Kasama sa larawan sina at Vice Gov. Nas Ona, 5th District Board Member (BM) Claudette Ambida Alday, 6th District BM Lydio Lopez at 1st District BM Junjun Rosales. Jhay Jhay Pascua/Photo: Eric Arellano – Batangas PIO CAPITOL

Kinilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas si Police Senior Inspector Alberto Fetizanan Fabregas matapos siyang mahirang bilang isa sa Top Ten Outstanding Police Officers sa buong Pilipinas na bahagi ng Association of Police Officers via Lateral Entry (APOLE) noong 2017 noong ika-29 ng Enero 2018 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City.

Ang nasabing parangal sa mga miyembro ng Philippine National Police ay pagkilala sa hindi matatawarang pagganap sa kanilang tungkulin na mapaglingkuran ang mga mamayan sa ilalim ng batas saan mang bahagi ng bansa.

Si PSI Fabregas, na tubong Pola, Oriental Mindoro, ang kasalukuyang Camp Commander ng Batangas Police Provincial Office at Chief ng  Human Resource and Doctrine Development Center Section (HRRDS) .

Sa 27 taon na serbisyo, bago pa man makatangap ng parangal mula sa APOLE, si Fabregas ay nagkamit na rin ng 48 na magkakaibang PNP Medals, 35 PNP Letters of Commendation/ Plaque of Recognition, 42 Certificate of Appreciation, tatlong beses na naging Dangerous Drug Board  National Awardee, bukod sa iba pang mga pagkilala. Cecilei De Castro – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.