Plano Para mas Malaman ng Publiko ang Ambisyon Natin 2040, Binalangkas ng NEDA 4A

Top 10 Awardee PSI Fabregas, Pinarangalan sa Batangas Capitol
January 29, 2018
Information Caravan sa Region IV-A, Isinagawa ng Department of Agriculture
January 31, 2018

January 30, 2018

Pinangunahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) Region 4A ang isang Communication Plan Development Workshop noong ika-30 ng Enero 2018 para mas epektibong maisulong at maipaalam sa publiko ang mga development plans na nakapaloob sa Ambisyon Natin 2040, Philippine Development Plan 2017-2022 at CALABARZON Regional Development Plan 2017-2022.

Ang kauna-unahang multi-sectoral workshop ay isinagawa sa NEDA Regional Office sa Calamba City, Laguna upang makabuo ng isang estratehiya, sa pagtutulungan ng CALABARZON regional line agencies, local government units, state universities and colleges and private sector partners, para makuha ang suporta ng lahat ng mga stakeholders at maipaabot ang mga detalye ng nasabing long term economic plans para sa rehiyon at sa buong bansa.

Sa kanyang mensahe sa mga dumalo, binigyang-diin ni NEDA Asst. Regional Director Gina Gacusan na ang pagsasama-samang ginanap para sa paggawa ng CommPlan ay isang paanyaya at hamon para kumilos ang mga mamamayan patungo sa kaunlaran.  Dagdag niya na ang mga plano ay kailangang maramdaman at isagawa, hindi sapat ang malaman lamang ang tungkol sa mga ito.

Hangad ng Ambisyon Natin 2040 na malasap ng mga Filipino ang Matatag, Maginhawa at Panatag na Buhay pagdating ng taong 2040.  Para makamit ito, ang Philippine Development Plan 2017-2022 ang inaasahang maglalatag ng matibay ng pundasyon para sa isang malawakang pag-unlad, lipunang may mataas na pagtitiwala at ekonomiyang kayang makipagsabayan sa buong mundo.  Nakapaloob sa PDP ang pagbuo at pagsulong ng mga aspeto ng Malasakit o enhancing the Social Fabric, Pagbabago o Inequality Reducing Transformation, at Patuloy na Pag-unlad o Increasing Growth Potential of the Economy.

Pinangasiwaan ang maghapong workshop ng NEDA 4A personnel, sa pangunguna ni Ms. Agnes Daantos.  Kabilang sa mga nakibahagi sa talakayan at pagbalangkas ng plano ang mga kinatawan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, na kinabibilangan nina Angelita Cueto at Geraldine Comia ng Provincial Planning and Development Office at Vincent Altar at Elfie Ilustre ng Provincial Information Office.  Vince Altar – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.