Mga Batangueño, namayagpag sa 2018 BOSS 13th Ironman Motorcycle Challenge

Gov. Dodo, Keynote Speaker sa Batangas Development Summit 2018
January 29, 2018
Top 10 Awardee PSI Fabregas, Pinarangalan sa Batangas Capitol
January 29, 2018

January 29, 2018

Batangueño Ironman Motorcyclists. Ipinagmamalaki ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas, Vice Gov. Nas Ona at Sangguniang Panlalawigan members, ang galing, tibay at lakas ng loob ng mga Batangueñong lumahok sa 2018 BMW Owners Society of Saferiders (BOSS) 13th Ironman Motorcycle Challenge na ginanap noong ika-12 ng Enero 2018 sa Royce Hotel, Clark, Pampanga. Jhay Jhay Pascua/Photo: Eric Arellano – Batangas PIO Capitol

Sa Flag Ceremony ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, ginawaran ng parangal ang limang Batangueño na lumahok sa 2018 BMW Owners Society of Saferiders (BOSS) 13th Ironman Motorcycle Challenge na ginanap noong ika-12 ng Enero 2018 sa Royce Hotel, Clark, Pampanga.

Kabilang sa mga pinarangalan ay ang back to back champion na si Jerwin Matibag at mga finishers na sina Francis Tan, Ceasar Andrew Macasaet, Bryant Joseph Chang, Victor Enrico Fabie at.

Ang BOSS Ironman Motorcycle Challenge ay isang taunang kompetisyon kung saan sinusukat ang galing sa pagmamaneho, stamina at endurance ng mga motorcycle riders at car drivers.

Bawat kalahok ay kinakailangang makumpleto ang nakatakdang ruta na isang libo at dalawandaang (1,200) kilometro sa loob ng 24 oras mula sa kanilang oras ng pagsisimula. Babagtasin nito ay mga highways at tatahakin ang mga lugar sa mga probinsya ng Northern Luzon.

Labindalawang taon na ang motorcycle challenge na ito at ngayong taon umabot sa 900 ang naging kalahok, habang dalawang daan at siyamnapu’t isa naman ang nakatapos ng karera. Almira M. Eje – Batangas Capitol PIO

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.