St. Camillus De Lellis Hospital, Medical Center Na

Ligang SIKAT SI KAP 2022, Muling Binuksan sa Unang Distrito ng Batangas
August 28, 2022
2023 – 2025 Executive-Legislative Agenda at Capacity Development Agenda ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, Pinagtibay
August 29, 2022

August 28, 2022

Nakiisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Health Office (PHO), sa pormal na pagdedeklara ng St. Camillus De Lellis Hospital sa Lungsod ng Batangas bilang isang ganap na Medical Center noong ika-18 ng Agosto 2022.

Naging punong tagapagsalita si Provincial Health Officer II, Dr. Rosvilinda M. Ozaeta, sa nasabing okasyon, kung saan hinirang din bilang kauna-unahang Stroke-Ready Hospital ang St. Camillus sa Lungsod ng Batangas matapos nilang buksan ang kanilang Acute Stroke Unit, na naglalayong makapagbigay ng dekalidad na serbisyo sa mga kababayan na na-stroke.

Pinangunahan ang blessing at pagbubukas ng pasilidad nina Dr. Ariel F. Atienza, Medical Director, at Dr. Lovelyn Matienzo, Neurologist ng nasabing ospital. Nabangit din ni Dr. Atienza ang planong pagbubukas ng pangalawang ospital sa Bayan ng Mabini, Batangas.

Kabilang sa dumalo sa pagbubukas sina Dr. Gerald G. Alday ng PHO at Dr. Ramoncito C. Magnaye ng Batangas Medical Center.

Jhanice O. Cantos / Photos: Dr. Gerald Alday – PHO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.