2023 – 2025 Executive-Legislative Agenda at Capacity Development Agenda ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, Pinagtibay

St. Camillus De Lellis Hospital, Medical Center Na
August 28, 2022
PHILAM Life and Accident Insurance Benefits, Ipinagkaloob sa mga Pamilya ng mga Namayapang Bantay Dagat Members sa Panahon ng Pandemya
August 29, 2022

August 29, 2022

Lumagda ang mga opisyal ng ehekutibo at lehislatibo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa Covenant of Commitment bilang tanda ng pagsuporta sa pagsasakatuparan ng binalangkas na 2023-2025 Executive – Legislative Agenda (ELA) at Capacity Development (CapDev) Agenda noong ika-24 ng Agosto 2022 sa Hilton Manila, Lungsod ng Pasay.

Ang pinal na 2023-2025 ELA at CapDev ay pinagtibay matapos ang tatlong araw na talakayan at deliberasyon, mula Agosto 22 hanggang 24, 2022, kung saan pinag-usapan ang mga priority economic, social, infrastructure, institutional at procurement programs, projects at activities ng Kapitolyo. Nakatuon ito sa key result areas na binibigyang-diin ng pamahalaang panlalawigan, sa pangunguna ni Gov. DoDo Mandanas, kabilang ang health, education, livelihood at protection of life, properties and environment.

Tinugunan naman ito ng naaayon na legislative response ng Sangguniang Panlalawigan (SP), sa pamamagitan ni Vice Gov. Mark Leviste, na ibinahagi ang kanilang nakahandang suporta at kooperasyon tungo sa wastong implementasyon at pagsasakatuparan ng mga napagkasunduang programa upang mas maayos at epektibong maipaabot ang serbisyo publiko sa lalawigan.

Ayon kay Gov. Mandanas, na sinabing siya ay nasa kanyang huli nang termino bilang gobernador ng Batangas kung kaya at ito na ang kanyang huling pagdalo sa ELA, nararapat lamang na ibuhos ng pamahalaang panlalawigan ang lahat ng magagawa para sa serbisyo sa mga kababayan.

“We have the means, objectives and the will to do it,” pahayag ng Batangas governor. “Let us help as many people as possible with honesty, integrity; with courage in our goals and compassion for our people.”

Kasama ang SP, naniniwala aniya siya na ang nabuong ELA ay hindi lamang salita, kung hindi magiging gawa; maipapaganap nang sama-sama ng mga magigiting na naglilingkod sa lalawigan.

Nauna rito, ibinahagi ng Department of the Interior and Local Government (DILG), sa pamamagitan nina 4A Regional Director Ariel Iglesia at Batangas Provincial Director Abigail Andres, na gawing kabahagi ng 2023-2025 ELA ang Provincial Devolution Transition Plan, na mahalaga sa wastong implementasyon ng Mandanas-Garcia Ruling, at iayon ito iba’t ibang alituntunin sang-ayon sa mga pinaiiral na batas.

Kabilang sa mga stakeholders na nakiisa sa aktibidad ang mga kinatawan ng Batangas Provincial Police Office, Commission on Audit, Department of Education, at DILG.

Vince Altar / Photos: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
3

Comments are closed.