Ligang SIKAT SI KAP 2022, Muling Binuksan sa Unang Distrito ng Batangas

Palihan sa Pag-awit ng Kundiman Isinagawa ng Panlalawigang Tanggapan ng Turismo at Ugnayang Pangkultura
August 28, 2022
St. Camillus De Lellis Hospital, Medical Center Na
August 28, 2022

August 28, 2022

Matapos na mapatigil ng dalawang taon dahil sa pandemya, muling binuksan ang Sikat Si Kap 2022 Inter-Town Basketball and Volleyball Tournaments sa Unang Distrito ng Batangas.

Sinimulan ang torneo noong ika-28 ng Hulyo 2022 sa pagitan ng mga barangay functionaries mula sa walong bayan ng Unang Distrito sa Bayan ng Nasugbu, kung saan naging panauhin sina Bokal Armie Bausas, Bokal Junjun Rosales at mga kinatawan mula sa Provincial Assistance and Community Development Office (PACD), General Services Office (GSO) at Provincial Treasurer’s Office (PTO).

Naging tampok din sa programa ang pagpili ng Mutya ng Sikat Si Kap 2022 kung saan nanalo ang kinatawan mula sa Nasugbu, habang pumangalawa at pumangatlong puwesto naman ang Lian at Tuy.

Ang Sikat Si Kap ay isa sa pinakamatatagal na programang pampalakasan para sa mga opisyal ng barangay na nagsimula noong 2008 sa pangunguna ni dating Bokal Boy Rosales, katuwang ang PACD.

Sa naging panayam ng B’yaheng Kapitolyo kay G. Arthur Caguitla, Youth and Development Officer IV ng PACD, ibinahagi niya na ang pangunahing layunin ng programa ay ang magkakila-kilala at magkaroon ng magandang samahan ang mga opisyal ng barangay mula sa iba’t ibang bayan. Malaki umano ang naitutulong nito sa kanilang pamamahala lalo na sa mga oras ng pangangailangan.

Bukod dito, nais nilang maging daan ang programa upang mapanatili ang malusog na pangangatawan ng mga opisyal.

Malaki ang naging bahagi ng mga barangay sa pagtugon sa pandemya kung saan nagsilbi silang mga frontliner kaya marapat lamang na mapangalagaan ang kanilang kalusugan.

Para sa ika-pitong season ng palaro, ang basketball ay lalahukan lamang ng mga kapitan ng barangay. Habang ang mga babaeng kapitan naman ay lalaro sa volleyball kasama ang mga konsehal, treasurer, secretary, barangay nutrion scholars, barangay health workers, batangay tanod at Sangguniang Kabataan chairperson.

Ang mga magwawagi sa torneo ay pagkakalooban ng trophy at cash prize, na aabot sa ₱50,000 para sa tatanghaling kampeon. Ang ikalawa at ikatlong puwesto ay makakakuha ng ₱30,000 at ₱20,000, ayon sa pagkakabanggit.

Magkakaroon din ng MVP, mythical five (basketball) at mythical six (volleyball) na pagkakalooban naman ng medalya at cash prize.

Ang mga laro ay ginaganap tuwing araw ng Martes at Huwebes sa iba’t ibang bayan at inaasahang tatagal hanggang sa unang linggo ng Setyembre.

Gian Marco Escamillas, Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.