Pansamantalang Pagsasara ng Taysan Road, Inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan

Provincial Vet Office Nakatutok sa Rabies Awareness Month ngayong Marso
March 6, 2021
Provincial Smoke Free Task Force, Binuo sa Batangas
March 6, 2021

March 6, 2021

Inaprubahan sa katatapos na 8th Regular Session ng Sanggunian Panlalawigan (SP) ng Batangas ang isang Special Ordinance upang bigyang daan ang rehabilitasyon at pagsasaayos ng Sto. Nino – San Marcelino – Pinagbayanan Road sa Bayan ng Taysan, na pansamantalang isasara sa lahat ng uri ng sasakyan.

Ang ordinansa ay naipasa noong ika-1 ng Marso 2021 sa SP session, na pinangunahan ni Vice Gov. Mark Leviste, subalit hindi pa naitatakda kung kailang magsisimula ang pagpapasara ng nabanggit na kalsada.

Ang nasabing special ordinance ay isinulong ng SP Committee on Public Works and General Services, na pinamumunuan ni 5th District Board Member Arthur “Bart” G. Blanco. Ito ay bilang tugon sa isang request letter mula kay Engr. Rody A. Angulo, District Engineer ng Department of Public Works And Highways, Batangas IV District Engineering Office, na humiling ng Temporary Road Closure ng nasabing kalsada sa munisipalidad ng Taysan sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas.

Sa road-widening project, palalawakin ang kasalukuyan kalsada, na may sukat na 4.50 meters, hanggang 6.70 meters. Dahil dito masasakop ng konstruksyon ang magkabilang bahagi ng nabanggit na daan kaya kinakailangang maisara ito sa daloy ng trapiko para makapaggawa ng ayos at ligtas ang mga manggagawa, at para na rin sa kaligtasan ng mga motorista.

MON ANTONIO A. CARAG III / Photo: Macc Ocampo – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
21

Comments are closed.