PGENRO Environmental Lab, Pasado sa PNP Audit-Inspection sa Paggamit ng mga Kemikal, Explosives Reagents

1.5 Tonelada ng Talaba, Ani sa Proyekto ng Kapitolyo sa San Juan
July 15, 2023
Bivalent COVID-19 Vaccination sa Batangas, Ipinagpatuloy
July 15, 2023

July 15, 2023

Bilang pagsunod sa tuntunin ng kaligtasan at seguridad, nagsagawa ng isang pagsusuri at ebalwasyon ang Philippine National Police Civil Security Group (PNP-CSG) – Regional Civil Security Unit 4A sa Batangas Environment Laboratory (BEL) ng Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PGENRO) sa Kapitolyo, Lungsod ng Batangas noong Hulyo 11, 2023.

Binisita ng mga kinatawan ng PNP-CSG ang storage facility ng PGENRO para sa mga kemikal at explosive reagents, tulad ng Nitric Acid, Potassium Permanganate, Hydrogen Peroxide at Potassium Nitrate, na ginagamit sa pagtatasa o analysis ng tubig, waste water at hangin na mga pangunahing ginagawa ng BEL.

Ang paggamit ng mga nabanggit na kemikal ay mahigpit na binabantayan o mino-monitor ng PNP upang masiguro na ang mga ito ay magagamit lamang ng mga tamang ahensya para sa mga gawain na pinapayagan ng batas sa ilalim ng Republic Act No. 9516, na patungkol sa paggawa, pagbebenta, pagkuha, disposisyon, importasyon o pag-aari ng mga paputok o gamit na nakasusunog.

Sa isinagawang pagsusuri, sa pangunguna ni PMaj. Freddie C. Zorilla, Chief – Firearms and Explosives Office, kay G. Luis A. Awitan, PGENRO Department Head, at mga staff ng laboratoryo, nakita at napatunayan na sumusunod ang BEL sa mga tuntunin ng kaligtasan at seguridad. Kaugnay nito, ibibigay ng PNP-CSG ang kaukulang permit o sertipiko, matapos maisumite ang iba pang mga requirements.

Ang maayos na operasyon ng environmental laboratory ay sang-ayon sa programa ni Gov. DoDo Mandanas at ng PGENRO upang patuloy na makapaglabas ang BEL ng mga maayos na resulta sa pagmo-monitor at pagtatasa ng kalidad ng tubig at hangin sa buong lalawigan.

Rochelle Amboya – PGENRO / Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.