Gov. Dodo, mga Opisyal ng mga Bayan ng Mabini at Taysan Nag-dayalogo
January 12, 2018
1st Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas for Calendar Year 2018
January 15, 2018

January 12, 2018

Naging bahagi si Batangas Governor Dodo Mandanas, ang Chairperson ng National Finance Committee ng PDP Laban, sa isang pagpupulong ng ilang mga miyembro ng administration party noong ika-11 ng Enero 2018 sa Sofitel Philippine Plaza, Manila kung saan tinalakay nila ang pagtataguyod ng Pederalismo at ilan pang Constitutional amendments na magpapalakas sa local autonomy ng mga local government units sa pamamagitan ng People’s Initiative.  Ang mga adbokasiyang ito ay isinulong ni Gov. Mandanas sa General Assembly ng League of Provinces of the Philippines na ginanap noong araw ding iyon sa Manila Hotel.  Kabilang sa mga dumalo sa pagtitipon sina Senate President Coco Pimentel, na Pangulo ng PDP Laban; Energy Secretary Alfonso Cusi, na PDP Laban Vice Chairperson; at Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.   Jenny Asilo Aguilera / Photo:  Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.