1st Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas for Calendar Year 2018

PDP-Laban Meeting
January 12, 2018
1st Regular Session of the Sangguniang Panlalawigan ng Batangas for Calendar Year 2018
January 15, 2018

January 15, 2018

Isinagawa ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas ang kauna-unahan nitong sesyon para sa taong 2018 sa Apolinario M. Mabini Legislative Bldg., Capitol Site, Batangas City noong January 15, 2018.

Pinangunahan ito ni Vice Gov. Nas Ona, na tumatayong Presiding Officer, kasama ang mga Bokal ng anim na distrito ng lalawigan.

Tinalakay ni Committee on Appropriations Chairperson at 3rd District Board Member Fred Corona ang mga Supplemental Budgets ng buong lalawigan, samantalang pinasadahan naman ni 4th District Board Member JP Gozos and Chairperson ng Committee on Ways and Means ang mga mahalagang ordinansa ng iba’t ibang bayan sa Batangas.

Sa usapin tungkol sa mga Kababaihan at Pamilya, umupo at nakiisa si 3rd District Board Member Divina Balba para sa kanyang ordinansa na bigyang prayoridad ang paglalagay ng mga breastfeeding section sa mga pampublikong gusali at magkaroon ng karampatang multa ang mga lalabag dito.

Nagbigay din ng pahayag si Senior Board Member ng 6th District Wheng Sombrano – Africa, na Chairperson naman ng Kumite ng Provincial Cooperative, Livelihood and Economic Enterprise, kung saan binalangkas niya ang isang ordinansa para sa isang kooperatiba na nangangailangan ng mga clearances sang-ayon sa batas.

Bilang Chairperson ng Committee on Laws, Rules and Ordinances, ipinaliwanag naman ni 1st District Board Member Ramon Bausas ang mga ordinansa at resolusyon na kailangang matutukan ng pansin at bigyang katuparan sa taong ito.

Inaasahan naman ang patuloy na kooperasyon at pagtutulungan ng Sangguniang Panlalawigan at Executive branch ng pamahalaang panlalawigan para sa walang patid na pagsulong ng buong probinsya.

Jhay Jhay B. Pascua – PIO Capitol Batangas

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.