Gov. Dodo, mga Opisyal ng mga Bayan ng Mabini at Taysan Nag-dayalogo

Mas Malaking Bahagi ng Buwis para sa mga LGU, Pederalismo thru People’s Initiative Isinulong ni Gov. Dodo sa League of Provinces of the Philippines
January 12, 2018
PDP-Laban Meeting
January 12, 2018

January 12, 2018

Isang dayalogo ang naganap sa pagitan ng mga opisyal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas at mga opisyal ng Munisipalidad ng Mabini noong ika-4 ng Enero 2018 sa bayan ng Mabini, at Munisipalidad ng Taysan noong ika-10 ng Enero 2018 sa People’s Mansion, Capitol Compound, Batangas City.

Tinalakay sa Mabini, sa pangunguna nina Mayor Noel Luistro at Vice Mayor June Villanueva, ang tungkol sa mga proyektong nakalaan para sa bayan tulad ng pagpapagawa ng mga evacuation centers sa Brgy. San Teodoro at Estrella, ang request para sa isang sea ambulance na magagamit sa nasabing baybaying bayan, at pagpapagawa ng Mabini Community Hospital.

Para naman sa mga taga bayan ng Taysan, personal na nagkaroon ng konsultasyon sina Governor Dodo Mandanas kasama sina Mayor Grande Gutierrez, Vice Mayor Nitoy Perez, mga Municipal Councilors at mga Barangay Captain. Ang bawat isa ay naglahad ng mga layunin at projekto para sa kanilang nasasakupan.

Sa pangunguna ni Mayor Gutierrez, tinalakay nila ang mga programa at projekto tulad ng pagpapaunlad ng agrikultura at turismo sa kanilang bayan; pagpapagawa at pagsasaayos ng mga tulay at daan para mas sa mabilis na takbo ng kalakalan at pagpapanatili ng kaayusan at seguridad. Binigyan diin din nito ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat nanunungkulan sa kanyang bayan na magsisilbing hakbang para mas makilala ang bayan ng Taysan sa larangan ng turismo at agrikultura.

Lubos ang galak ni Governor Mandanas at taos puso ang pagtanggap nito sa pamunuan ng dalawang bayan. Inihayag nito ang kanyang pakikiisa at pagsuporta sa lahat ng kanilang mga proyekto at programa. Pinaalala ng Gobernador lalo ang mga nasa barangay na palawigin pa ang pagtulong sa lahat ng nangangailangan. Ikinagalak ng mga nasabing government officials ang pagbibigay ng scholarship sa lahat ng anak ng mga naglilingkod sa barangay, ang Batangas Health Card na magiging ayuda sa kanila sa oras ng pangangailangan sa kalusugan, at ang nakakasang pagkakaroon ng ambulansiya para sa bawat barangay. By: Eric Arellano / Photo by: Mac Ocampo

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.