Pamamahagi ng Educational Assistance at Honorarium sa mga Volunteer Workers, Tuloy-tuloy na Isinasagawa ng Kapitolyo

Ayuda sa mga Magsasaka, Ipinagpatuloy ng Kapitolyo sa Calaca
February 22, 2022
Mayor Sara, Binigyang Pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas
February 22, 2022

February 22, 2022

Muling ipinagpatuloy ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Governor DoDo Mandanas, ang iba’t ibang mga programa na nakatuon sa edukasyon at kagalingang panlipunan noong ika-21 ng Pebrero 2022 sa Bayan ng Calaca, Batangas.

Sa pangangasiwa ng Scholarship Services Division ng Office of the Provincial Governor, naipagkaloob sa may 136 na mag-aaral ng Batangas Province Science High School sa Barangay Dacanlao, Calaca, Batangas ang educational assistance na nagkakahalaga ng tig-₱6,875.00 bawat isa.

Samantala, tinutukan pa rin ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang pagbibigay ng honorarium para sa mga magigiting na katuwang ng Kapitolyo sa serbisyo publiko, na boluntaryong mga naglilingkod, kabilang ang bawat pangulo ng Child Development Workers, Parent Leaders, Persons with Disability, at Senior Citizens.

Isinagawa naman ng Provincial Assistance for Community Development ang isang assembly meeting para sa mga kapitan ng barangay ng Calaca, kung saan nagbigay rin ang pamahalaang panlalawigan ng tulong o ayuda.

Naging kaisa ni Governor Mandanas sa isinagawang distribusyon ng suporta sina Vice Governor Mark Leviste, 1st District Board Members Junjun Rosales at Glenda Bausas, Calaca Mayor Nas Ona, AnaKalusugan party-list nominee, Atty. Gina Reyes-Mandanas, at ilang mga opisyal ng Kapitolyo.

Mark Jonathan M. Macaraig/Photo: Marwin Domingo – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.