Ayuda sa mga Magsasaka, Ipinagpatuloy ng Kapitolyo sa Calaca

Invitation to Submit Quotation – Shopping (February 22, 2022)
February 22, 2022
Pamamahagi ng Educational Assistance at Honorarium sa mga Volunteer Workers, Tuloy-tuloy na Isinasagawa ng Kapitolyo
February 22, 2022

February 22, 2022

Personal na pinangunahan ni Governor DoDo Mandanas ang isinagawang pamamahagi ng mga agricultural inputs sa mga miyembro ng Balimbing Farmers Association at Makina Farmers Association, mula sa Bayan ng Calaca, noong ika-21 ng Pebrero 2022.

Naihatid ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangangasiwa ng Office of the Provincial Agriculturist, ang mga organikong pataba sa lupa, agricultural lime at assorted vegetable seeds sa mga magsasaka.

Ang aktibidad ay bahagi pa rin ng inisyatibong programa ni Gov. Mandanas na “Hanapbuhay: Ika’y Magtanim” o ayuda para sa mga magsasaka at mangingisda, na may layuning matulungan ang mga benepisyaryo na magakaroon ng masaganang ani.

Bukod dito, target din ng naturang proyekto na mas maabot pa ng mga ipinagaganap na agri-based initiatives ng lalawigan ang mga higit na nangangailangang mga samahan, na inaasahang magbibigay-daan sa patuloy na pagbangon ng sektor ng agrikultura ng Batangas kahit nararanasan pa rin ang epektong dala ng pandemya.

Matatandaan na pinasimulan ang pagbibigay ng mga nasabing agri inputs noong ika-17 ng Pebrero sa Bayan ng Rosario kung saan may walong samahan ng mga magsasaka ang nakinabang.

Naging kaisa rin sa isinagawang distribusyon ng suporta sina Vice Governor Mark Leviste, 1st District Board Members Junjun Rosales at Glenda Bausas, Calaca Mayor Nas Ona, AnaKalusugan party-list nominee, Atty. Gina Reyes-Mandanas, at ilang mga opisyal ng Kapitolyo.

Mark Jonathan M. Macaraig/Photo: Marwin Domingo – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.