Mayor Sara, Binigyang Pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas

Pamamahagi ng Educational Assistance at Honorarium sa mga Volunteer Workers, Tuloy-tuloy na Isinasagawa ng Kapitolyo
February 22, 2022
Invitation to Submit Quotation – Shopping (February 24, 2022)
February 24, 2022

February 22, 2022

Binigyang-pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Governor DoDo Mandanas, si Davao City Mayor Sara Duterte kaugnay sa tulong at suporta na ibinigay ng kaniyang tanggapan sa Lalawigan ng Batangas sa mga panahon na naharap ang probinsya sa kalamidad.

Sa isang simpleng pagtitipon na isinagawa sa Batangas Province Livelihood Center sa Lungsod ng Batangas ngayong araw, ika-22 ng Pebrero 2022, personal na iginawad ni Gov. Mandanas kay Mayor Duterte ang Sertipiko ng Pagkilala, na nagbigay-diin sa pagtulong ng Davao City, hindi lamang sa lalawigan kung hindi pati na rin sa iba’t ibang bahagi ng bansa, at mga makabuluhang ambag nito sa pagkakaroon ng positibong pagbabago o positive transformation and development sa bawat komunidad.

Bilang kinatawan naman ng Sangguniang Panlalawigan, pinangunahan ni Vice Governor Mark Leviste ang pagbibigay kay Mayor Duterte ng token of appreciation sa anyo ng isang table name plate na may balisong, na ipinagmamalaking produkto ng lalawigan at sumisimbolo sa katapangan at kagitingan ng mga Batangueño.

Samantala, naging kaiisa rin sa isinagawang aktibidad, si Atty. Gina Reyes-Mandanas ng AnaKalusugan party-list, kasama ang iba pang mga opisyal ng Kapitolyo.

Batangas Capitol PIO

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.